Saturday, March 16, 2019

Do you believe in Miracles? I do.

27 years ago, 3rd year high school student ako noon sa Sisters of Mary School nang pumanaw sa sakit si Fr. Al, founder ng SOM. Ang Sisters of Mary School ay isang libreng boarding school para sa mga mahihirap. Lahat ng pangangailangan ay libreng naibibigay sa pamamagitan ng mga donasyon na kinakalap ni Fr. Al mula sa iba't-ibang panig ng mundo. 



Ganun na lamang ang pangamba ng marami sa amin noon na baka hindi na magpatuloy ang programa sa pagpanaw ni Fr. Al. Pero agad din naman iyong napawi dahil sa pagtitiyak ng mga madre na nag-aalaga sa amin noon. 



Nang mamatay si Fr. Al, ang programa nya ay available lamang sa Korea at Pilipinas. Pero after 27 years, nadagdagan pa ang mga libreng boardings schools ng Sisters of Mary sa Mexico, Brazil, Guatemala, Honduras at Tanzania.

Marami na ring graduates ng Sisters of Mary ang tumutulong upang ipagpatuloy ang programs ni Fr. Al.

Kung nais nyo pong malaman ang iba pang detalye tungkol sa Sisters of Mary at kung niloloob ng iyong puso na tumulong din, punta po lamang kayo sa www.facfi.org.ph

No comments:

Post a Comment