Thursday, July 24, 2003

Simulay ng aking paglalakbay

Medyo nahirapan ako don sa What's New section ng Homepage ko. Ibabalik ko na lang yung link to this journal. Medyo maluwag na yung load ko sa office at kaya ko na isingit ang pag update sa weblog kong ito kahit saglit lang.

Kanina habang kausap ko yong isang taong napakahalaga para sa akin, napagtanto ko sa aking sarili na minsan yung ating mga takot ay kung tutuusin ay wala namang basehan. At sa kaso ko, napagisip-isip ko, kulang lang ako sa tiwala. Di ako dapat pabigla-bigla sa aking mga konklusyon. Sana ay muling maging normal ang aming di normal na buhay sa isang di normal na daigdig. Magulo ba? Pero alam nyo, naiintindihan nya yun eh! Di ba?


No comments:

Post a Comment