Nanonood din ba kayo ng wow mali! ni Joey De Leon sa Channel 5 tuwing Lingo? May portion doon na ang title ay PLAK! (pera lang ang katapat). Eto yung portion na sa kung saan may ipapagawa sa sinumang may gusto ang isang kakatwang bagay kapalit ng maliit na halaga (pinakamababa yata ay P 500.00). Nalala ko ito nang mabasa ko kanina yung balita sa inquirer tungkol sa dagdag na sahod para sa mga sundalo. Medyo natawa ako sa balitang ito kasi matatandaan na kamakailan lamang ay umugong ang balita tungkol sa kudeta bunga ng diskontento ng mga junior officers ng AFP. Para bang gustong sabihin ng Malacanang na pera lang ang katapat ng mga nagrereklamong mga sundalo. Nagkataon na nabasa ko rin yung pahayag ni Ka Roger hinggil sa isyung ito. Hindi ganon kahirap ikumpara ang dalawang kampo. Ang AFP nakikipaglaban bilang isang propesyon, bukod pa sa may sweldo. Ang NPA nakikipaglaban upang lunasan ang kahirapan. Saan kaya ito magwawakas?
*****
Mahirap tanggalin ang isang bagay na sadyang naging bahagi na ng sistema ng katawan ng isang tao. Lalo na kung ito'y naging bahagi na ng kanyang pagkatao. Mapalayo lang ito ng konti ay tiyak na ganun na lamang kalaki ang epekto nito sa kanyang pangaraw-araw na gawain. Ganito marahil ang aking mararamdaman sa mga susunod na mga araw. Sana dumating man ang sandaling iyon, tuloy-tuloy pa rin ang aming paglalakbay tungo sa finals!
No comments:
Post a Comment