Saturday, January 06, 2007

Stereotyping our Muslim Brothers

Dear Pia,

Kumusta ka na? Sana ay wala ka nang ubo. Magiging madalas na ang pagsulat ko sa iyo ngayon para masabi ko ang lahat ng gusto kong ikwento at sabihin sayo. Nitong mga nakaraang araw kasi ay madalas kang umiiyak tuwing tinatawagan kita sa telepono. Lagi mong sinasabi na puntahan kita at dyan na lang ako magtrabaho. Kung pwede lang sanang ganun nga, bakit hindi di ba? Mas gusto ko rin syempre na lagi kitang kasama. Hayaan mo anak, malapit ko nang maayos ang lahat. Wish me luck!

Alam mo anak, may gulo sa Baclaran kahapon. May demolisyon kasi na ginawa ang MMDA at syempre may mga apektadong komunidad doon. May mga nasugatan at sa ibang ulat pa nga ay may namatay pang isa dulot ng palitan ng putok. Syempre pa, laman ito ng mga pahayagan ngayon. Habang nag-aabang nga ng bus kanina, nakita ko sa isang news stand ang mga nakabandera sa mga tabloids: MMDA vs MUSLIM. Napakamot na lang ako ng ulo.

Hindi ko talaga maunawaan ang katuturan ng pagbanggit sa ulat na sila ay mga Muslim. Kasi, kung nagkataong mga Katoliko o Kristiyano ang mga sangkot sa gulo, hindi naman magiging headline ang MMDA vs Katoliko. Ganyan kasi talaga i-stereotype ang mga kapatid nating Muslim. Nakakalungkot ano? Pero ang mas nakakalungkot eh pati yung malalaking media netwroks ay ganun din ang gawi.

Halimbawa ay sa abs-cbnnews.com

At least three people were injured when workers from the Metro Manila Development Authority (MMDA) demolished a makeshift footbridge in a neighbourhood of vendors in Baclaran, ParaƱaque, on Friday.

Among the injured were children who bore gunshot wounds, reports said.

The bridge connected a village of Muslim vendors just off the seawall to their stalls on Roxas Boulevard.


Pero maayos naman ang pagkakaulat sa inquirer.net:

MANILA -- (UPDATE) Four people, two of them minors, were wounded when shooting broke out after a demolition team from the Metro Manila Development Authority (MMDA) tore down a makeshift pedestrian bridge connecting a neighborhood in Pasay City to Roxas Boulevard near the Redemptorist Church in Baclaran.

According to the MMDA, someone from the neighborhood opened fire and hurled bottles at the demolition team around 9:30 a.m., prompting the team to retaliate.

Police and community leaders identified the four victims as Alex Gapar, 35, who had erroneously been reported by radio as having been killed; Diamal Ampuan, 14; Calid Camama, 27; and Anoar Abdul Latip, 13.


Maaari kasing sa paglaki mo ay ganito pa rin ang gawi ng ating media at baka isipin mong gaoon kasama ang mga kapatid nating Muslim. Huwag ka sanang magpapadala sa mga mababasa mo sa media. Mas maging mapagsuri at responsable ka sana.

Hanggang sa muli,

Daddy Apol

4 comments:

  1. I enjoyed reading your post here, in fact, I posted it on astigg.com, a Filipino community for interesting news and blog submission. HOping that a lot of readers can share and open their eyes to the unfair treatment against our Muslim brothers.

    ReplyDelete
  2. Thanks for the comment, princejames. I'm glad that you have posted it at astigg.com.

    ReplyDelete
  3. tsk tsk tsk!!!!!! bad media!!! tsk tsk sk ulit.....

    ReplyDelete
  4. oo nga. bakit nga ba kasi kailangang sabihin pa na muslim sila??? pare-pareho lang tayong mga pilipino, pare-pareho lang tayong tao. nagkaiba lang sa relihiyon, pero tama bang banggitin pa kung ano ang paniniwala nila???

    ReplyDelete