Monday, July 03, 2006

Basura sa Mt. Makulot


Sumama ako sa mga nagpulot ng basura sa Mt. Makulot noong sabado. Grabe pala talaga ang naipong basura sa Mt. Makulot, lalo na sa may grotto. Tuwing mahal na araw kasi ay dinadagsa ito ng tao na may mga dala-dalang pagkain at iba pang kalat. Dagdag pa dito ay maraming umaakyat dito para magtinda ng pagkain. Ang nakakalungkot dito, hindi naman lahat ay nagkukusang ibaba ang kanilang mga basura.


Habang nagpupulot ako ng basura, naalala ko yung eksena namin ni Pia sa jeep. May isa kasing ale na pasimpleng itinapon ang balat ng candy sa kalsada.

"Daddy, bad sya" (Sabay turo nya sa ale)
"Ha? Bakit po" (kunwari di ko alam ibig nya sabihin)
"Ang basura dapat sa basurahan di ba Daddy?"
"Very good! Lagi mo tatandaan yun ha?"
"Opo Daddy"

Halos hindi makatingin sa amin yung ale. Kung pagong lang siguro yun, itinago nya na ulo nya. hehe! Walang pinagkaiba sa ale na yun ang mga umaakyat ng bundok na walang pakundangan sa pagtatapon ng basura. Nakakainis!

[Magpulot sa Makulot 2 pictures]

4 comments:

  1. Totoo yun, Apol. Ganun na rin ang case sa Majayjay. Dahil very accessible na sya, kahit sino nakakapunta na dun, bata, matanda, whoever, whatever. Tapos makikita mo yung mga kalat na iniwan nila! Nakakadismaya. Kapag pumupunta kami dun, dinadamay na rin namin yung ibang campsite sa pagligpit namin para kahit paano, maalis yung kalat.

    ReplyDelete
  2. tama po kayo. kakainis talaga ang ibang walang pakundangan magtapon.

    ReplyDelete
  3. hay...dapat talaga ban na ang irresponsible mountaineering eh. dapat required ang registration sa kanila at kung walang envi perspective, walang bunduk-bunduk. kainis!

    ReplyDelete
  4. baligtad na ang panahon. yung bata ang nagtuturo sa matanda. gleng talaga ni Pia, o... nakakahiya nga yung ale. bad. tsk! tsk! tsk!

    ReplyDelete