Tuesday, November 07, 2006

If I chance to talk a little wild, forgive me; I had it from my father...

Habang pinapakain ko ng almusal si Pia noong isang araw, napag-usapan namin ang tungkol doon sa mga pulubi. Bakit daw nanghihingi ng pagkain yung mga batang pulubi?

"Eh kasi baby, walang tarabaho ang mommy at daddy nila. DI ba kaya nga pumupunta ako sa office para may pambili ka ng milk?"

"Ayy... Eh bakit walang opis ang dadi nila?"

"Eh kasi po, wala silang opportunities para magkaroon ng magandang trabaho. Di kasi sila nakapag-aral eh. Kaya ikaw, dapat pag nag-aaral ka na, pagbutihin mo"

"Para mag opis din ako Dadi Apol Cute?"

"Opo"

"eh bakit di sila nakapag-aral?"

"kasi po, wala silang pambayad sa school. o sya, kainin mo na ang food mo"

Medyo pinutol ko na ang usapan kasi natutukso akong talakayin sa kanya ang tungkol sa moda ng produksyon, ang mga pwersa at relasyon sa produksyon, at ang pag-usbong ng isang bagong sistema ng lipunan dulot ng tunggalian ng mga uri.

Bandang huli, hindi nya na rin inubos ang pagkain nya. Ibibigay nya na lang daw sa pulubi. Ayun tuloy, habang nasa byahe kami pauwi sa Batangas, hanap sya ng hanap kung nasaan daw yung mga pulubi.

**********


May libro na ba kayo ng Kwentong Tambay? Ako meron na! Eto nga at ipinapabasa ko na kay Pia! hehe!

6 comments:

  1. ayos pareng apol - mukhang engrossed si pia sa pagbasa. ngyehehe. naintindihan na ba niya ang mga kwento?

    maraming salamat nga pala sa pag plug ng libro.

    ingat dre. kita tayo sa december.

    ReplyDelete
  2. Bait naman ni Pia, thinking of the poor already. Very inetesting talaga ang mga tanong ng mga bata ano? Mukhang enjoy sya sa book ni Batjay ha? Wala pa ako nyan, pero bibilhan daw ako ng pinsan ko.

    ReplyDelete
  3. wow ang talino na ng anak mo tsong ilang taon na ba cya?Magaling na magtanong dahil napapahirapan ka na nya sumagot hehe..mukhang magiging tibak din ah...

    ReplyDelete
  4. Ayus yan, konti na lang pwede ng isabak sa ED yang si Pia, Naalala ko nung umuwi ako sa pinas, gumawa ako ng isang post para sa araw na iyon tungkol sa digmaan,wala akong mahagilap na pamagat ang ginawa ko binasa ko sa kanya and voila! nakaisip siya ng pamagat na siyang ginamit ko sa entry ..... kaya pag nangyari na ang panahon na yun handa ka na ba? Pahabol. isa sa tanong sa akin ng tita ko noon kung magiging aktibista daw ba ang anak ko sa hinaharap..papayag daw ba ko? Ang sagot ko wala akong magagawa, hindi ko hawak ang buhay at pag-iisip nya pero kung sakali man na mangyari yun..masaya ako sa buhay na gusto nyang tahakin.

    ReplyDelete
  5. batjay, na email ko na yung pic ni pia with KT. Ayuz! kitakits sa December!

    Hi Leah! Interesting talaga mga tanong ng mga bata. Minsan nga di ko na alam kung paano ko sasagutin ang ibang tanong ni pia eh. hehe!

    hello buhid! 3 yrs & 3 mos na si Pia, tamang kulit na. hehe!

    Hi Melai! Madalas din itanong sa akin ng mga kakilala ko, kung papayag daw ba ako na maging tibak din si pia. Pareho tayo ng sagot. :)

    ReplyDelete
  6. hi fafa apol!
    ang galing naman ni pia, nagbabasa na :) anyways, nasabi mo na rin lang ang lack of job opportunities para sa mga tao kung kaya kelangang mag aral, ganyan ang plight ng mga pinoy. dito naman sa amerika, baligtad. dahil sa dami ng job opportunities sa mga bata, di na nagpupursigi na mag aral. akala nila, yung sweldo nila sa 711 o kaya sa kung ano-ano'ng restaurants eh kasya na, wala nang ambisyon makatapos tuloy.
    bakit kaya ganon? they take education for granted. haaaay ganon talaga yata ang buhay.

    ReplyDelete