Sunday, August 03, 2008

It takes a long time to grow young

Birthday ni Pia noong nakaraang Martes, July 29. Limang taong gulang na sya at nasa kinder na ngayon. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang ay sanggol pa sya na iyakin at madalas ay tatahan lang sya kapag kakargahin ko sya it ihehele. Pero ngayon, marunong na rin syang manghingi ng load para sa kanyang umobile.

Hindi natuloy ang plano kong pamamasyal namin ni Pia noong birthday nya. Hindi kasi umayon ang ihip ng hangin. Ewan ko ba. May mga bulaklak kasi talagang umuusbong pero wala namang halimuyak. Ang siste, dahil saksakan sila ng baho, gusto nila lahat na lang ng bulaklak ay mabaho. Nakakaasar.

Pero ok lang din naman. Madali namang makaintindi si Pia at sya pa ang nagsabing tsaka na lang daw kami mamasyal.

May birthday party si Pia noong Sabado, July 26. Hindi ako nakapunta dahil nagsabwatan ang mga bulalakaw sa kalangitan at nagtagumpay sila. Palagay ko nga'y alam din iyon ng aso ng kapitbahay namin, nakangisi kasi sa akin nung minsang nakita ko sa labas. Katakut-takot na paliwanag na naman ang ginawa ko kay Pia. Pero alam nya naman daw na mahal ko sya, kaya ok lang kahit hindi ako nakapunta. Minsan mas madali talaga kausap ang bata.

At dahil hindi nga kami nakapamasyal ni Pia, umisip na lang ako ng ibang paraan para maging memorable naman ang araw na iyon kay Pia. Bumili na lang ako ng kaunting meryenda para sa mga classmates at teachers nya at dinala ko doon sa room nila. May giveaways din akong binili para sa mga classmates nya at si Pia mismo ang namigay isa-isa. Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ni Pia noong araw na iyon. Masaya din ako syempre.

7 comments:

  1. ay hapi birthday kay pia!!

    pakihalik ako ng marami lo..

    ReplyDelete
  2. Thanks, Niko! Sayang, wala ka noong Saturday night. Saya ng party with ASMSI Friends!

    ReplyDelete
  3. thanks for the comment...

    ReplyDelete
  4. i know! i know!!

    inggit ako sobra. huhuh

    kung di lang talaga maulan lo, friday pa kami ready ni yenang!!!!

    sigh.

    ReplyDelete
  5. To the owner of this site....your blog is qualified to be feature at Sanga-sangang Dila,enter to this site http://www.sanga-sangangdila.blogspot.com to vote
    Thank you!

    ReplyDelete
  6. hindi ko na alam kung ano ang patakaran sa atin, apol, pero dito, simple lang ang mga pa birthday sa mga bata, sobrang tipid talaga. nang isang taon, dinalhan namin ng bday cake at mga ilang kasangkapan sa klase ni mikka para mapakain niya sa mga kaklase niya at tuwang tuwa siya sa pagbigay ng mga slices sa kanila at sa pag turo sa kanila umawit ng "maligayang bati". ang galing nga e. :)

    belated happy birthday sa precious pia mo, apol.

    question: marunong na ba siyang magbasa at mag add? kasi pauwi na rin kami at hindi ko alam kung ano ang dapat na alam nang gawin ni mikka.

    ReplyDelete
  7. hindi ko naman masabing patakaran talaga na maghanda. nakagawian na lang din talaga. If i could have it my way, namasyal na lang sana kaming mag-ama.:-)

    Magbasa, di pa masyado. Pero mag-add medyo ok lang.

    ReplyDelete