Thursday, December 04, 2003

Ang hikbi ni Sophia

Medyo napuyat ako kagabi. Iyak kasi ng iyak si Sophia at kahit natutulog na siya ay hikbi pa rin ng hikbi. Pilit akong naghanap ng kapaliwanagan kung bakit ganun ang ikinikilos ngayon ni Sophia. Napailing na lang ako sa mga nakalikot ng malikot kong pag-iisip.

Tumaas ang singil sa kuryente. Nasundan pa ito ng pagtaas ng presyo ng LPG. At ang gatas nya na dating nabibili sa halagang P 920.00, ngayon ay P 940.00 na (dalawang linggo lang nya ito nauubos). Kabi-kabila ang pamumulitika ng mga nasa gobyerno, lalo na ang mataray na si GMA. Laganap ang kidnapping. San kaya napupunta ang mga ransom? Pangpondo sa kampanya sa darating na halalan ng mga pulitikong pulpol? Ang daming walang trabaho. Haaaay.... Ano nga kayang lipunan ang naghihintay kay Sophia ko?

Sino nga naman ang hindi mapapahikbi sa mga pangyayaring ito?

No comments:

Post a Comment