Thursday, March 04, 2004

May bago akong pinagkakaabalahan!

Medyo naging abala ako ngayon kaya medyo bihira na ako ngayon makapag-update ng blog ko. Madalas ay gabi na ako makarating sa bahay at hindi na maka onnect sa internet. Hirap talaga pag prepaid cards lang ang gamit. hehehe!

Sumali kasi ako sa First Quadrant (isang multi-level marketing company) isang buwan na ang nakakalipas. Nakakatuwa kasi medyo malaki ang naitulong nito sa akin. Tuwing biyernes ay nakakatanggap na ako ng P4,000 (average). Pandagdag na rin sa pambili ng diaper at gatas ni Sophia ko. hehehe! Sa tantya ko pag dating ng April ay magiging P10,000.00 kada linggo na ang matatanggap ko. Sana nga. Ang tataas na kasi ng bilihin dito sa Pinas! At ang sweldo ko, bagamat ok naman, ay 2 taon nang napako sa kinalalagyan. May job offer nga sana sa akin sa isang maliit na bangko kaya lang ang liit naman ng sweldo. Haaayyy... buti na lang at may nag invite sa akin dito sa First Quadrant. Part time lang pero ok naman incentives.

Pero bukod pa sa dagdag na kita, ang isa pang nakakatuwa sa pagsali ko sa First Quadrant ay ang dami kong bagong kakilala na sabi nga nila ay people from all walks of life. Minsan nga nagdi-dinner kami ng mga bago kong kakilala sa isang Japanese American Bistro (Bento Box) sa Greenhills ay napagkwnetuhan namin ang aming mga buhay-buhay. Pito kami lahat na nagkatipon noon, at nalaman namin na lahat kami ay maagang naulila sa ama. Ako ay 9 na taong gulang pa lang ng namatay ang aking Tatay. Yung isa naman ay 7 taong gulang pa lang sya. Yung isa pa ay 2 taong gulang pa lang. Ang pinakamatindi, yung isa na di nya raw kilala ang kanyang tatay kasi buntis pa lang nanay nya ay iniwan na sila. Yung iba ay di ko na matandaan basta ako pa rin ang pinakaswerte kasi lahat sila ay mas bata pa nung nawalan ng tatay.

Kaya nga sabi ko sa kanila, ang babait at dakila ng aming mga ina kasi sa kabila noon ay nairaos kami pare-pareho, na ngayon ay may kani-kaniya nang propesyon. Kaya nga sabi ko sa sarili ko, makaipon lang talaga ako, ipapasyal ko nanay ko kahit sa hongkong man lang. Wish ko lang magawa ko na iyon ngayong October na kung saan siya ay magdidiwang ng ika-52 kaarawan.

No comments:

Post a Comment