Noong nakaraang linggo naman, paakyat ako ng MRT sa may Taft Station, ang nadaanan ko naman ay mag-inang gusgusin. Palagay ko'y kasing edad lamang ni Sophia ko yung batang nakahiga sa sahig, habang yung ina naman nya ay panay ang hingi ng limos sa mga pasahero. Animo'y isang maruming basahan na lamang yung damit na bumabalot sa sanggol. Muntik ng tumulo yung luha ko sa nakita kong iyon, kawawa naman yung bata. Mababaw lang kasi talag ang luha ko.
Sa lahat na yata ng dako ng Pilipinas ay normal na ang ganitong larawan. Naisip ko, hindi talaga pantay ang distribusyon ng yaman. Bakit nga kaya may mga ganun ang kalagayan? Sino ba ang may kagagawan nito? Sabi sa bibliya mapapalad daw ang mga mahihirap dahil sa kanila ang kaharian ng Diyos. Ewan ko ba ang labo.
Habang patuloy ang paghirap ng mga mahihirap, patuloy naman ang pagyaman ng mga mayayaman. HIndi na nga sial magkandaugaga kung saan itatago ang kani-kanilang mga pera kaya itinatago na lang sa pangalng Jose Velarde at yung iba naman dyan ay Jose Pidal. Haayyy...mga tinamaan kayo ng lintek!
No comments:
Post a Comment