Thursday, May 27, 2004

Shut up, sipon!

Mag-iisang linggo na itong sipon ko, kainis! Halos hindi ko na nga hawakan si Sophia, nahawa pa rin sya. Sana gumaling na sya kagad.

Halos isang linggo na ring nagdedebate ang mga mambabatas hinggil sa dapat maging procedure ng pag-canvass ng mga boto para sa presidente at pagka-bise presidente. Nakakatuwa pa nga yung circus na kinasangkutan ni Cong. Dilangalen, nagmukha talaga syang clown. Asar talo sya don sa shut up! note na ipinadala sa kanya! Buti na lang talaga hindi sya nanalong senador.

Mainam naman na sinisigurong maayos ang magiging procedures, pero ibang usapin naman kung sinasadyang pagtagalin ang debate para sa interes ng sinuman. Sa isang banda, eh ano naman kung si FPJ o si GMA ang "manalo"? May magbago naman kya sa kalagayan ng Pinas? Eh kung walang maproklamang presidente bago mag June 30, ano kaya ang mangyayari. Ano kaya nasa isip ni Gringo ngayon? hmmmm...

Sa totoo lang mas exited pa ako sa resulta ng party list election kesa sa presidente at bise presidente. Asteeg pa rin talaga ang Bayan Muna!

No comments:

Post a Comment