Friday, May 28, 2004

Araw ng watawat

Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-106 na anibersaryo ng "kalayaan" ng Pilipinas ay ipinagdiriwang ngayon ang pambansang araw ng watawat. Inisip kong magpost ng bandila ng Pilipinas dito sa aking blog bilang pakikiisa sa selebrasyon. Pero nagmuni-muni muna ako habang naghahanap ng philippine flag image file na pwede kong gamitin...

Malaya na nga ba ang Pilipinas?

Oo nga at napatalsik na ang mga military bases ng mga kano, pero nandyan naman ang Visting Forces Agreement at malayang nakakapasok ang mga sundalong kano dito sa Pinas para magdaos ng mga Balikatan Excercise

Ang mataray na si Gloria ay tila walang ambisyon kundi mapuri ni Dubya. Mistulang sunod-sunuran sa mga nais ng makapangyarihang U.S of A, tulad na lamang ng gera sa Iraq. Nangunguna si GMA sa pagpapahayag ng suporta sa gera ng US sa Iraq na nagdulot ng kamatayan ng libo-libong inosenteng sibliyan. Pakiramdam ko'y diyos na ang turing ni Gloria kay Dubya.

Matapos magmuni-muni, naisip kong mas angkop ang larawang ito -



Patuloy pa rin ang pakikibaka para sa tunay na kalayaan...

No comments:

Post a Comment