Saturday, June 05, 2004

Balita at iba pa

Kung totoo ang sinasabi ni Sen. Pimentel, isang Canadian pala si Guillermo "Bill" Luz ng Namfrel,na pinamumunuan ni Jose Concepcion. Ang pamilyang Concepcion ang syang nagmamay-ari ng kumpanyang gumawa ng mga bottled water na may larawan ni GMA, na ipinamigay noong panahon ng kampanya. Wala namang kinakampihan ang Namfrel diba, Sisa?

Ano kaya ang susunod na hihilingin ni Erap sa Malakanyang? Ang kapal din talaga ng mukha nitong mamang ito. Pero mas belib ako sa tapang ng hiya ni GMA, na ayosn sa mga Migranteng Pilipino siyang numero unong illegal recruiter! Hindi pa nga natutugunan ang hinaing nga Pinoy Workers na nasa korea ngayon, eto at ipinagmamalaki ng GMA adinistyration ang MOA sa Korea na nangangagulugan daw ng mas maraming Pinoy na makakapagtrabaho sa Korea. Ang labo talaga!

Pero kahit paano naman ay may magandang balita pa din. Mukhang matutuloy na rin ang proklamasyon ni Grace Padaca bilang Gobernador ng Isabela. Sa wakas ay natapos na ang halos apat na dekadang pamumuno ng dinastiyang Dy dito!

At mas marami na ngayon ang militanteng kongresista kongreso! Hmm... maging speaker pa rin kaya si Prinsipe Trapo?

No comments:

Post a Comment