Bakit ako biglang nawalan ng gana? Ang gusto ko kasing magkatuluyan ay si Ara at Christian, pero mukhang tinapos na ni Ara ang lahat-lahat sa kanila ni Christian. Ikakasal na si Ara kay Leo, na labis na nagmamahal kay Ara. Si Christian ang unang kasintahan ni Ara, malalim na rin ang kanilang pinagsamahan. Subalit pareho silang biktima ng pagkakataon. Nagkahiwalay silang dalawa dahil sa matinding galit ni Christian sa mga magulang ni Ara, na inakala nyang may kagagawan sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Sa bandang huli ay lumabas din ang katotohan subalit huli na ang lahat para kay Christian. Bagama't napatawad na siya ni Ara, masyado nyang nasaktan si Ara. Akala rin kasi ni Ara ay si Christian ang may kagagwan sa tangkang pagpatay sa kanyang ina.
Lumayo at nagtago si Ara at ang kanyang Ina upang makaiwas sa mga kaguluhan. At sa mahabang panahong pananaguan ay nakilala ni Ara si Leo, na siyang naging kaagapay niya sa kanyang mga problemang pinagdadaanan. At ngayon nga'y nakatakda ng ikasal si Ara at Leo.
Pilit na gumawa ng paraan si Christian upang magkabalikan sila ni Ara pero walang nangyari. Kahit na sa takbo ng mga pangyayari ay halatang may nararamdaman pa rin si Ara kay Christian, isinara na niya ang pinto para dito. Si Leo man ay nababagabag din dahil iniisip nya rin na may nararamdaman pa rin si Ara kay Christian. Subalit labis ang pagmamahal niya kay Ara kaya't ginagawa nya ang lahat para maging maayos ang relasyon nila ni Ara.
Ewan ko ba, masyado akong apektado sa kwento, na feeling ko tuloy ay ako si Christian. Parang ayaw kong makita na ikinakasal si Ara at Leo. Hindi ko alam kung ano na ang mga huling pangyayari, pero wala na akong balak alamin pa. Kaya nga hindi ko na talaga ito pinapanood. Wala ng dahilan pa.
Pero naisip ko lang, sino nga ba ang dapat piliin? Ang mahal mo, o yung nagmamahal sayo?
No comments:
Post a Comment