At siyempre pa, inaasahan ko na yung mga kasama ko noong college ay pupunta sa Sabado. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nagkikita-kita. Karamihan sa mga barkada ko noong collge ay mga kapwa ko aktibista na mahilig sa mga awiting tulad ng sa ASIN. Karamihan sa amin ay mga empleyado na ring tulad ko, yung ilan naman ay mga full time organizers sa mga community at pagawaan at yung iba naman ay wala na akong balita.
Pero kung mayroong mga natutuwa dahil tutugtog ang ASIN sa mediahub cafe, mayroon din namang mga nagtataka kung bakit sa lahat naman ng mga banda ay ASIN pa ang kinuha ko. Marami sa mga kasama ko sa opis ang nag-iisip na hindi raw tatauhin yung concert ng ASIN. Sabi naman ng ilan ay puro matatanda lang daw ang pupunta. Kinabahan din ako sa totoo lang kasi yung crowd na pumupunta sa mediahub ay mga yuppies na mahilig sa RnB at Disco.
Pero bakit nga ba ASIN? Bakit hindi?
No comments:
Post a Comment