Saturday, April 28, 2007

celebration?

Dear Pia,

Isang buwan na rin tayong hindi nagkikita. Miss na miss na kita!

Malamang hindi na sinabi pa sayo ng Mommy mo na ngayon ang ika-5 anibersaryo ng kasal namin ano? Natatandaan mo p aba yung malaking picture namin ni Mommy mo na nakasabit don sa bahay natin sa Batangas? Minsan ay tinanong mo pa nga ako kung bakit may hawak na bulaklak ang Mommy mo di ba? Yun yung araw ng kasal namin ng Mommy mo, limang taon na ang nakakaraan.

Karaniwang ipinagdidiwang ang anibersaryo ng kasal. Pero sa kaso namin ng Mommy mo, hindi ko sya masisisi kung bakit wala na itong kahulugan pa sa kanya. Mahabang kwento pero tsaka ko na lang ikukwneto sayo ng buo. Sabihin na lang nating hindi ako naging mabuting asawa. Syempre hindi ko ito ipinagmamalaki.

Pasensya na kung naipit ka sa sitwasyong ito. Batid kong may epekto ito sa paglaki mo kaya lang wala na talaga ako magagawa. Subalit hindi naman ito dapat maging dahilan para mapariwara ang buhay mo. Ikaw pa rin naman ang may kontrol sa direkyon na tatahakin mo. Seympre, asahan mo na sususportahan ta ka.

Sinubukan kong suyuin ulit ang mommy mo at halos lumuhod pa sa pagsusumamo kaya lang ayaw nya na talaga eh. Hindi ba't sinabihan mo rin minsan ang Mommy mo na na gusto mo magkakasama tayo pero sabi nya ay hindi na pwede? Maniwala ka anak, yun din talaga ang gusto ko kaya lang huli na nga yata ang lahat at di na talaga pwede. Ganunpaman, huwag mo sanang isipin na hindi ka namin mahal ng Mommy mo. May mas matimbang lang siguro syang dahilan kaya mas gusto nyang ganito ang set-up natin. Hindi man tayo madalas magkita at magkasama, pakatandaan mo na mahal na mahal kita.

Mag-iingat ka lagi.

Daddy Apol

2 comments:

  1. ipinapanalangin ko Ka Apol na sana ay maging tunay na magkaibigan kayo ng dati mong kabiyak..

    mas lalo ko din ipinapanalangin ang kapakanan ni Pia..

    Matalino ang anak mo kaya wag ka mag alala sa landas na kanyang tatahakin (buti na lang at nag-mana sa nanay hehe uy biro lang Ka Apol ha hehehehe)

    ReplyDelete