Friday, January 21, 2005

Changes...

Normal na ulit ang daily activities ko simula ngayon. Nakakapagod ang mga nagdaang araw. Yung mga gamit namin sa apartment sa Parañaque ay hinakot na namin noong Martes papuntang Batangas kung saan naroon ang sarili naming bahay. Kahapon naman, mula sa dating 2 bedroom apartment ay lumipat kami sa 1 bedroom apartment, na kung saan ay makaksama ko ang brother-in-law ko. Ang mag-ina ko naman ay sa Batangas na maninirahan kasama ang aking Inay. Every weekend na lang ako uuwi sa Batangas. Nagresign na si misis sa trabaho ilang buwan na ang nakakaraan. Kung bakit ito ang naging desisyon namin, medyo mahabang paliwanag eh. Pero sa madalign salita, unang hakbang ito sa pagsasakatuparan ang mga plano ko, plano nya at plano namin.

Tiyak mami-miss ko si Pia. Pero kapag nakabit na yung telepono namin sa Batangas, araw-araw ko pa rin naman siyang makikita, sa webcam nga lang. Pero ok na rin yun, every weekend naman ay uuwi ako eh. At tsaka preparasyon na rin yun just in case matuloy ako mag-abroad. Pero paano kaya ako makakaalis nito ay hindi pa naman ako nag-a-apply? haayy.. Nakikiramdam pa kasi ako sa mga pwedeng mangyari dito sa opis. Hindi kasi natuloy ang pag-uusap namin ni bosing ko noong huling umuwi sya. Pero sa lunes dadating ulit sya at may naka schedule ulit kaming miting. Goodluck to me! =)

No comments:

Post a Comment