Tuesday, May 10, 2005

Nakakainis!

Nakakainis! Hindi ako nakapunta sa 1st Philippine Blog Summit. Pero ok lang naman, may mga susunod pa naman sigurado. Nang nag-ikot ako sa mga blogs ng mga nakapunta sa summit, may common reaction sila - Natutuwa sila dahil sa wakas ay nakita na rin nila si Sassy Lawyer! Iba na talaga ang sikat! Ako naman, natutuwa din kasi ka-blogkada ko yata ang sikat na yun! hehe!

Nakakainis! Tataas na naman ang pamasahe, pero ang sweldo ganun pa rin naman. Hirap na naman akong pagkasyahin ang budget ko. Grrrr... Pero di bale, kapag nagklik ang bagong raket ko dito sa opis, medyo makakaluwag na naman ako. Sana.

Nakakainis! Extended ang bakasyon ni misis at Pia sa Pangasinan. Sana naman ay huwag maisipan ni misis na doon na mamalagi. Grrr... May binili kasing computer shop ang unkel nya at sa kanya gusto ipaasikaso. Sana mag-aya na si Pia pauwi sa Batangas.

Nakakainis! Napanood ko sa TV si Jinggoy na nagsalita sa Labor Day Rally ng KMU at mga kaalyadong grupo nito. Bagama't ang mga sinabi nya naman ay pabor sa manggagawa, medyo asiwa pa rin ako. I would think wala syang sinabi doon tungkol sa kaso ng kanyang ama, na inosente ito. Gaguhan na yun kung ganun. Sige na nga, it may be a tactical move sa bahagi ng KMU. Kasi nga naman, kahit paano naman ay may mga tagasunod siyang mga mahihirap na medyo "naliligaw". Ito marahil ang hinahabol nilang masalo. Ang mahirap nga lang dito eh baka in the end, KMU pa ang nagagamit ni Jinggoy sa kanyang propaganda. kaya nga kung ako lang ang magdedesisyon, di ko na yun patutuntungin man lang sa entablado. Hindi kasi ganun kadali mauunawaan ng masa yung importansya ng tactical move na yun. Pero syempre, nasa pagmumulat pa rin naman ang susi dyan.

No comments:

Post a Comment