Belib ako sa kanya kasi hanggang ngayon ay aktibo pa rin sya sa kilusan. Nakakalungkot nga lang kasi kung bakit kailangang maghiwa-hiwalay pa ang mga kilusang ito. Pansinin na lamang ninyo yung nangyari nitong nakaraang labor day. May grupong nasa welkam rotonda, may grupong nasa liwasang bonifacio. Syempre may mga paliwanag ang magkabilang grupo tungkol dito.
Ganyan din ang eksena sa YS lalo na noong 1993-1994, sa pagitan naman ng LFS at Kamalayan. Minsan dumadating pa nga sa pisikalan. hehe! Natatawa na lang ako minsan kapag naalala ko yung ginawa sa akin nung mga Kamalayan-PLM kasama yung ilang Kamalayan sa iskul namin. Kasama ko gf ko , nag-aabang kami ng sasakyan pauwi, kinompronta ba naman ako ng isa nilang kasama. Nilapitan nya ako. Bakit daw pinagti-tripan ko yung kasama nilang babae. hehe! Gulat talaga ako at syempre natakot. Ang dami kaya nila at mukhang lumpenic pa yung dating. Syempre hindi ako nagpauna. Nope, hindi ko sinapak. Madami nga sila eh. Sabi ko don sa kumausap sa akin: Pare, wag kang mageskandalo dito para kang babaeng talak ng talak. mahiya ka dyan sa mga nakakarinig sayo! (sabay turo sa mga kapwa pasahero na nag-aabang). Napahiya si Mokong, bumalik sa mga kasamahan niya. Ako naman ay medyo na carried away. Sinundan ko pa. Gustong magpasikat kay Setsu eh. hehe! Medyo nakalma lang ang sitwasyon nang dumating yung isang babaeng member namin sa LFS na karelasyon naman ng isang Kamalayan. hehe! Buhay tibak nga naman...
HALOS iisa naman ang layunin ng mga grupong ito. Sana ay ganun kadali para magsama-sama ang mga ito. Pero syempre, kung ang pagsasama-sama naman ng mga ito ay mangangahulugan ng paghina, ano nga naman ang silbi nito? Yun nga lang, sino nga ba ang nasa tamang landas? Bahala na ang kasaysayang humusga kung sino nga ba ang wasto. Basta sa ngayon, naniniwala ako sa programa ng BAYAN MUNA.
No comments:
Post a Comment