Friday, September 23, 2005

Katarungan para kay Ka Ding Fortuna at manggagawa ng Nestle!

Tuwing umaga bago pumasok sa opisina, lagi akong dumadaan sa 7/11 para bumili ng kape at kadalasa'y sinasabayan ko na rin ng kanilang stuffed pandesal. Noong una laging capuccino ang binibili ko pero nang matikman ko yung cafe mocha, ito na yugn naging paborito ko.

Pero kaninang umaga, tiniis kong hindi humigop ng kape. Kagabi kasi bandang 8 pm ng dabi ay nakatanggap ako ng text message mula sa isang kaibigan -

Patay na si Ding Fortuna, pangulo ng unyon ng mga manggwa sa nestle-cabuyao, laguna. Pinagbabaril sya kaninang 6 pm sa canlubang laguna. Tatlong taon na silang nakawelga at pa2loy na dumaranas ng panunupil. suportahan po natin ang kanilang laban. wag tangkilikin ang mga produktong nestle.


Naisip ko agad yung Pasko Na, Pasko Now! raffle promo ng nestle. Ang dami kong kakilalang naghahangad na manalo sa raffle na ito na kung saan ang premyo ay sasakyan, bahay at lupa at limpak-limpak na salapi. Naisip kong Suntok sa buwan ang panawagang iboykot ang nestle products. Pero ganunpaman, tumugon pa rin nga ako sa panawagan. Isa pa, para kong naiisip na ang kapeng hihigupin ko ay may halo ng dugo ni Ding Fortuna at ng iba pang manggagawanbg nagbuwis ng buhay para sa paggigiit ng kanilang karapatan. Kung hanggang kailan ko kayang tiisin na di matikman ang aking paboritong cafe mocha ay hindi ko alam.

Hindi ako nakapanood ng balita kagabi kaya naman inabangan ko ang balita kaninang umaga sa Abs-Cbn news patrol. Anak ng putakte talaga ang istayl ng abs-cbn. May report nga sila tungkol sa pagpaslang kay Ding Fortuna pero ni hindi man lang nabanggit ang pangalan ng kumpanya - ang Nestle na isa malamang sa mga major advertisers nila!

In the service of the Filipino people your face!

Sana hindi na lang ninyo ito ibinalita. At sana palitan nyo na rin yung slogan nyo ng ganito:

abs-cbn: pera muna, bago serbisyo!

Wala pa ako sa mood mag-blog pero nanggigil talaga ako sa pangyayaring ito. Sinasariwa nito ang mga karanasan ko sa piketlayn nang ako'y nasa kolehiyo pa. Kung gaano napapagsamantalahan ang mga manggagawa. Hindi ko na matandaan kung ano yung pamagat ng kanta na sa palagay ko'y likha ni Koyang Jess Santiago pero ganito yung sinasabi-

Darating din ang araw
Silang mapang-api
Silang mapagsamantala
Darating din ang araw
Magbabayad kayo!


Angkop na angkop ang kantang yan sa pangyayaring ito.

1 comment:

  1. abs-cbn: pera muna, bago serbisyo!
    TAMA KA DYAN VGAN!!!!
    Maaaring napatay nila si Ka Fort subalit doon sila NAGKAMALI.... Lahat ng LABAN may KATAPUSAN at lahat ng KATAPUSAN may simula.... Darating tayo dyan VGAN.... Salamat....

    ReplyDelete