May mga bagay nga sigurong iniisip nating mabuti para sa atin pero kapag ang mga ito ay nakamit na, doon pa lamang malalaman na hindi ka magiging masaya. May mga bagay nga rin siguro na hindi mo man ninais ay kusang nagaganap, ito yung mga bagay na sadyang nakatakdang maganap. Sa madaling salita ay kapalaran.
May mga nagsasabi naman na suhetibo ang maniwala sa kapalaran. Ang mga mangyayari sa hinaharap ay nakabatay sa kongkretong kalagayan sa kasalukyan. At naniniwala ako dito.
Isang matinding dagok ang aking tinanggap at kahaharapin ko pa ang malalaking hampas ng alon ilang araw mula ngayon. Lahat ng ito'y bunga ng mga maling desisyon na aking nagawa noon. Kaya nararapat lamang na ito ay aking harapin at huwag talikuran.
Bagama't maling desiyon ngang maituturing pero hindi ko naman ito gustong pagsisihan sapagkat may maganda rin naman itong naidulot. Masama bang isaalang-alang ang kagalingan ng ibang tao una sa iyong sarili? Ah, pusang gala! Gusto ko na rin yatang magsisi.
Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Dapat na akong bumatay sa kongkretong kalagayan. Pansamantala akong mawawala at sa aking pagbabalik mas magiging malinaw na ang direksyon ng aking hinaharap.
No comments:
Post a Comment