Monday, April 30, 2007

Hinidi ko iboboto ang Bayan Muna

...hindi dahil sa ayaw ko sa BAYAN MUNA syempre. hehe! Palagay ko kasi ay tiyak na ang 3 seats para sa Bayan Muna at di na kabawasan ang boto ko. Kaya iba na lang ang iboboto ko: Kabataan Party!

Dalawang nominees ng Kabataan Party ang pamilyar sa akin. Una ay si Mong na kapwa blogger din. Hindi ko sya personal na kilala pero syempre madalas ko sya makita sa mga protest rally.

Pangalawa ay si Rico. Hindi na rin kami nag-abot ni Rico sa college pero isa si Rico sa mga nagpatuloy ng Samasa Party sa PCU na itinatag namin noon. Nakapasa na pala sya Board Exam para sa Social Worker. Nagakakilala kami ni Rico noong minsang dumalaw kami sa PCU para tulungan sila sa student council election 3 years ago. Kasi nga muntik nang di matuloy ang eleksyon noon, syempre di kami pumayag. At syempre pa, nanalo kami sa eleksyon!

Pag nagkataon, si Rico ang magiging pinakabatang mambabatas sa edad na 25. Yun ay kng makakakuha ang Kabataan ng 2 seats kasi sa 2nd nominee si Rico. Sana nga ay makatatlong seats pa para mas masaya! Para magkaroon ng representasyon ang kabataan sa kongreso!

Iboto ang KABATAAN PARTY para sa Party List!

1 comment:

  1. hi, juna hir of kabataan partylist batangas. got interested with your blogpost kahit nung 2007, may sinesearch kasi ako kanina yung blog mo ang lumabas. tuloy2x lang po campaign ng kabataan partylist dito sa probinsya natin lalo pa ngayon na nakaupo na tayo sa congress, baka po interested ka sa mga activities and happening regarding our youth party or baka puwede ka namin mainvite sa mga activities dito sa batangas, please email us kabataan_batangas@yahoo.com. maraming salamat.

    ReplyDelete