Kainis yung nagserve ng pagkain namin ni Setsu. Patakbo-takbo pa habang nakikipagkulitan sa kasamahan nya habang dinadala sa mesa namin yung inorder naming pagkain. Naunang ibinigay yung sinigang na bangus belly at kanin na order ni Setsu. At dahil gutom na kami pareho ay pinauna ko na syang kumain. Halos maubos na pagkain nya eh hindi pa rin binibigay ang order ko kahit naka-ilang follow up na ako. Di na ako nakatiis kaya tumayo ako at pumunta sa counter. Pasensya na daw. At eto na, dinala na rin yung order. Unang dinala yung lumpiang sariwa. Tapos isinunod yung kanin na nakabalot pero di naman ako binigyan ng plato. Sabi ko na lang don sa nagdala eh mas masarap siguro yun kung may plato. Halos patapos na rin ako kumain ng dinala yung order kong laing. Bwisit talaga.
Sa ibang branch naman nila, maayos ang serbisyo eh. Hindi rin tulad ng branch nila na puro styro at plastic ang pinaglalagyan ng pagkain. Mas tipid kaya yun sa kanila? Ewan ko ba, kakaiba ang branch nila na yun. Di na ako babalik talaga don. Bad trip!
Pero sa kabilang banda, ok lang din naman sa kabuuan ang gabing yun. Sa maigsing sandaling pag-uusap ay may mga nabuong mga plano at pangarap.
No comments:
Post a Comment