Thursday, June 14, 2007

Job Satisfaction

Ang isang nakakatuwa sa trabaho ko ngayon ay marami akong nakikilala at nagiging kaibigan. Kahit nandoon na sila Canada, marami pa rin sa mga naging kliyente ko ang regular na nangungumusta - email, chat sa YM at yung iba pa nga ay tumatawag pa.

Nakakatuwa din tuwing may dumadating na visa para sa mga kliyente namin. Para silang tumama sa lotto sa kanilang mga reaskyon kaya naman abot-abot ang kanilang pasasalamat. Lalo na yung mga welders na nahanapan namin ng trabaho sa Alberta na ang kabuuang sweldo at benepisyo ay halos umabot ng P400,000.00 kada buwan. Partner namin dito ang Intl Jobs Placement Agency at ang Philippineservices, Inc.

Madalas din ako makapamasyal sa mga probinsya kaugnay ng mga seminar na ginagawa namin para sa mga interesadong mag-apply ng permanent resident sa Canada. Noong Linggo, nasa Oasis Hotel (Angeles City) ako at sa July naman ay sa Sikatuna Beach Hotel sa Mindoro ang punta ko.

Tamang-tama ang punta ko sa Mindoro dahil may school mate ako na nanalo bilang Board Member sa Occidental Mindoro. Masaya-sayang pamamasyal ito!

No comments:

Post a Comment