Palagay ko, namana nya yun sa erpat ko. Hereditary daw yun ayon sa ilang mga nabasa kong articles. Yung iba, pinapatanggal, kaya binalak ko rin dating ipatanggal yung kay Pia. Syempre pa, kontra ang mga matatanda sa una. Malas daw yun kapag pinatanggal. Sabi naman ng Tita ko na may polydactyly din, lumaki naman daw sya't naging CPA, hindi naman daw naging problem yun sa paglaki nya. Bakit daw kailangan pang ipatanggal. May punto din naman.
Hindi ko itinuloy yung pagpapatanggal dahil
Ayon sa ilang mga nabasa ko, mas mainam daw na habang bata pa ay ipaayos na kung ipapaayos. Pero mas gusto ko rin talaga yung ideya na si Pia ang magpasya para sa katawan nya.
At ngayon nga, nagsimula na syang pumasok sa school at may mga nakakasalamuha na syang mga bagong kakilala. Kanina daw sa school, may nagtanong sa kanya bakit ganun ang hinlalaki nya. At seympre sinagot nya na dahil swerte nya raw yun. hehe! Bukas daw sasabihan nya kapag tinanong sya ulit, na dapat meron din sila nun kasi swerte yun. hehe! Naloko na.
Pero pano nga ba sagutin ang tanong na yun? Bakit ganyan ang hinlalaki mo?
Dapat ba syang maging scientific? Wala pa kasing tiyak na kasagutan kung bakit ito nangyayari, classmate. Sabi ng iba namamana daw ito, sa genes.
Pwede ring ibalik na lang ang tanong: Hindi ko alam eh. Ikaw, bakit wala ka nito? Swerte daw ito eh.
Eh paano kung gawin itong katatawanann ng mga classmates nya? Paano kung asarin sya at maging dahilan para tamarin sya pumasok? Ay, huwag naman sana. Kailangan talaga namin mag-usap ng masinsinan para turuan sya kung paano
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete