Nagpaiwan daw sya sa classroom kaya sya binigyan ng star. Yung iba daw nyang classmates ay umiyak kasi ayaw magpaiwan sa room. Tinanong ko kung ano ginawa nila sa school. May sinabi lang daw si Titser tapos may mga pinabibili. May lalagyan daw sila ng lunchbox, may CR daw at playground. Maganda daw sa school nya. Kanina naman, may star daw ulit sya kasi maganda yung mga circles na drawing nya. Ayuz!
Naalala ko tuloy yung article ko sa Tinig.com na sinulat ko noong kapapanganak pa lang kay Pia.
Ano kaya'ng kapalaran ang naghihintay sa batang ito? Maibigay ko kaya ang lahat ng kanyang pangangailangan? Ganap na kayang karapatan ang edukasyon at hindi lamang pribelehiyo sa mga may kayang magbayad para dito? O baka naman kasingtayog na ng langit ang bayarin sa matrikula?
Apat na taon na ang nakakalipas mula ng sinulat ko yun at sa daloy ng mga pangyayari, mukhang dapat talaga ako mangamba.
Nasa prep school pa lang si Pia, pero halos dalwampung libong piso na ang aming binayaran. Kung tutuusin, pwede naman sana sya sa public day care center muna para mura lang. Kaya lang, gusto ko rin syempre mapabuti si Pia. Kaawa-awa na kasi ang kalagayan ng mga public schools. Kagabi sa mga balita sa TV, ipinakita ang kalagayan ng mga public schools. May isang day care center pa nga sa Pangasinan na mukhang bodega. Haayy...
Kaya naman sinalubong ng Kabataan Party ang unang araw ng pasukan sa pamamagitan ng isang protesta sa Mendiola. Tuwang-tuwa tiyak ang mga tibak dahil muli sila nakatuntong ng Mendiola. hehe! Mas mainam kung may pumasok kahit isang nominee lang mula sa Kabataan Party para sa party list representative. Masaya 'to!
No comments:
Post a Comment