Tuesday, May 29, 2007

Free Jonas Burgos!

May blog na rin palang ginawa para kay Jonas Burgos.

Isang buwan na ring nawawala si Jonas at hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung nasaan sya. At kaugnay nga ng kampanya ng paghahanap kay Jonas, may natanggap akong email mula sa isang e-group:

Para sa mga kaibigang manunulat, artista, at mamamahayag

Ang Free Jonas Burgos Movement po ay magpapalaganap ng Writers and Artists commitment/petition paper para sa kagyat na paglilitaw kay Jonas Burgos, anak ng press freedom hero na si Joe Burgos, at pagkondina sa enforced disappearances (199 cases since 2001, ika-16 si Jonas sa kasalukuyang taon) at political killings (860 cases since 2001).

Hinihingi po namin ang inyong commitment sa pamamagitan ng inyong mga pirma. Kung maaari, paki-forward po ang inyong e-mail address na may kalakip ng inyong buong pangalan at inyong title bilang manunulat at artista sa freejonasburgosmovement@yahoo.com.

Pakikipasa po sa ibang mga manunulat at artista.

Maraming salamat po.


Militar ang hinihinalang nasa likod ng pagdukot kay Jonas. At para bang di pa sapat ang pagdurusang nararanasan ng pamilya ni Jonas, sinalubong naman ng maingay na musika ang mga nagprotesta sa harap ng Camp Aguianldo noong isang araw.

MANILA, Philippines—Camp Aguinaldo yesterday used loud music and shields to drive away protesters at their gates led by former Vice President Teofisto Guingona, who had had come to demand that they produce kidnapped activist Jonas Burgos.

The demonstrators, which included Jonas’ mother Edita Burgos and members of the militant Kilusang Magbubukid ng Pilipinas and Bayan Muna, were blocked by powerful audio speakers which blasted them with the songs “Pasaway” by J Brothers, “Kiliti” by Baywalk Bodies and “Jumbo Hotdog” by Masculados.

Bastos!

No comments:

Post a Comment