Naisip kong bigla, paano kaya kung sa Pinas naman ito gawin ng US? Halimbawang dahil sa patuloy na paglala ng krisis ay lumakas ang kilusang protesta, dumami ang nag-armas at naging madalas ang mga sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at afp? Bagay na maaaring gawing tuntungan ng US para manghimasok sa bansa. O kahit na walang ganitong sitwasyon. Pwede namang mag-imbento lang ang US ng kung anu-ano gaya ng ginawa nito sa Iraq. Halos pulbos na ang Iraq eh wala pa rin yung sinasabi nilang WMD's.
Kinilabutan ako. Na-imagine ko kasi yung mga air strikes ng pwersang kano sa Iraq. Halos pulbusin na ang Iraq. Pero sa isang banda ay naglalaro sa isip ko yung sinabi ni Mao yata yun na tao raw ang mapagpasya at hindi ang armas.
Kanina ko pa iniisip, ano kaya gagawin ko sakaling dumating ang sitwasyong ito? Hindi ko pa rin tiiyak kung ano ang detalyadong gagawin ko. Pero ang natitiyak ko, di ako lalabas ng bansa kahit na may pagkakataon ako. Natitiyak ko rin na tutulong ako sa pagtataboy sa mga kano sa paraang hinihingi ng sitwasyon.
No comments:
Post a Comment