As usual bumanat na naman ng mga lousy questions si Julius Babao, halos magkanda bulol-bulol sa follow up question nya nang sabihin ung tagapagsalita na hindi daw galing sa pondo ng AFP galing yung ginamit sa project. Buti na lang at mahusay si Bernadette magtanong.
Galing daw sa Kaibigan ng mga Kawal sa Kapuluan (KKK) ang pondo na ginamit sa resort sa boracay. Isa daw itong foundation na sumusuporta sa AFP. May mga members din daw ng media ang kasali dito.
Sino daw ang nagpapasya kung saang proyekto gagamitin ang pondo ng KKK, matapos sabihin nung tagapagsalita na P18M daw ang halaga ng proyekto. Yan ang tanong ni Bernadette. Pribelehiyo na daw iyon ng KKK sagot naman nung tagapagsalita ng AFP.
Layunin daw ng proyekto na maiwasan ang mga kaso ng mga broken families kaya mahalga na may lugar sila sa Boracay. Kung wala daw nito, hindi kakayanin ng orinaryong sundalo ang rate sa Boracay. At least daw sa boracay, magkakaron ng quality time ang mga sundalo kasama ang kani-kanilang pamilya. Socialized billing daw ang gagawin nila. Mas mataas ang ranggo, mas mataas ang babayaran.
Natawa talaga ako dito sa sinabing ito ng opisyal na yun. Halatang binibigyang katwiran lang yung pagpapatayo ng resort. Ginagawa nyang tanga yung mga makakarinig sa kanya. Kelan pa naging reuirement ang resort sa boracay para magkaroon ng quality time ang mga sundalo sa kanilang mga pamilya? Tsk!
Tapos tinanong ulit sya ni Bernadette, saan daw mapupunta yung income ng resort? Kung anu-ano ang sinagot ng opisyal. Pero di sya tinantanan ni Bernadette. Sabi nya, sir, di nyo pa rin po sinasagot, saan po mapupunta yung income. hehe!
Malaking project daw kasi ito kaya yung income na makukuha dito ay gagamitin sa pagpapatuloy ng project na ito. At marami pa raw iba pang proyekto ang mga kasunod nito. Nagmukha tuloy syang tagapagsalita ng KKK. hehe!
Naalala ko tuloy yung Oakwood Press Conference nila Trillanes. Diba nagrereklamo sila tungkol doon sa mga butas na bota nila? Isip-isip ko lang, ilang bota kaya ang mabibili ng P18M?
No comments:
Post a Comment