Aba at may nagreply sa email ko. Sabi nya:
Talaga namn....para sa akin dito parin ako sa side ng ating
presidente, tigilan n natin yan mga rally wlang
naidudulot na mabuti lhat lng perwisyo ang naibibgay
nyan... kesa magrally kyo jan cguro mas mabuti kung
ang mga ksamahan nyo e magsipulot na lang ng mga
basura sa daan o kalye marami pa ang matutuwa dib....
suporthan na lang natin ang ating gobyerno para
tuluyan na ang pag-unlad ng ating bayan wag tyo
masyadong mag-pabrainwash sa matatamis na magsalita na
para sa bayan kuno ang kanilang ginagwa ok?... God
bless...
Syempre, di ko yun pinalampas. Sinagot ko naman nito:
oh well, i will not condemn you for siding with the president however corrupt and illegitimate her presidency is. It is your right.
pero yung sabihin na walang naidudulot na mabuti ang mga rally ay malinaw na repleksyon kung gaano mo kaaalam ang kasaysayan ng iyong bansa. PEro on 2nd thought, siguro nga walang mabuti, kasi sa pamamagitan ng rally, napatalsik si Erap at naupo si GMA. Res Ipsa Loquitor.
Maswerte ka at basura lang sa kalsada ang pinorpoblema mo. Sabihin mo yan sa mga magsasakang inagwan ng lupang sinasaka, sa mga manggagawang pinagsasamantalahan sa mga pagawaan, sa mga sundalong salat sa benepisyo at sa pamilya ng mga pinatay na lider magsasaka at manggagawa. Do that and you may just get a clue.
May isang palaka na nasa ilalim ng balon ang nagsabing ang langit daw ay kasinglawak lang ng bunganga ng balon. YUn ay sapagkat yun lang ang kanyang nakikita mula sa ilalim. PEro noong siya'y makalabas sa balon, napagtanto nya na masa malawak pala ang langit kaysa sa kanyang inaakala.
Wish ko lang makaahon na sya sa ilalim ng balon.
No comments:
Post a Comment