Ang totoo, nagulat din ako nang ibalita ni Mike Enriquez sa 24 Oras ang paghuli nga kay Joma, pero wala pang mga detalye. Kinabukasan, nagkaroon ng lightning rally sa Dutch Embassy sa Makati. Sayang at hindi ako nakasama.
Hinuli pala si Sison ng mga Dutch Police dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay kina Romulo Kintanar at Arturo Tabara. Utos daw ni Joma ang pagpaparusa sa dalawa. Ano kayang ebidensya ang magpapatunay dito? hmm...
Dahil inako ng NPA ang pagpaparusa sa dalawa, at inaakusahan si Joma na syang nag-utos dito, kailangang mapatunyan ng mga nag-akusa na si Joma ay siyang lider ng NPA. O di kaya naman ay mapatunayan na si Joma nga ay si Armando Liwanag na syang chairman ng CPP. Ang tanong, paano ito mapapatunayan? Ano ang naging batayan?
There's a basis for Sison's Arrest, sabi ni Robert Vornis, Dutch Ambassador to the Philippines.
Katulong ng Dutch Govertment ang NBI at PNP sa pag-iimbestiga. Sabi nga ng isang security official ng bansa-
“They talked to many people, witnesses, even Central Committee members, and they gathered documents. It has been a long process,” the official said, speaking on condition that he will not be named.
According to the official, Sison’s arrest was based on the report by the Dutch police and prosecutors that there was “probable cause” for the complaints. [Inquirer.Net]
Pati Central Committee members ng CPP? Talaga lang ha? hehe!
Eto pa ang maluffet:
“Our evidence is strong and even meets the standards of the Netherlands authorities. In their assessment, there is probable cause,” Razon told reporters.
He said Dutch authorities started to process the case against Sison in January 2006 and ended in July 2007. “That’s how long their process is.”
Razon said the PNP was willing to send police investigators to the Netherlands to testify against Sison if needed.
Sa patung-patong na kalokohang ikinaso ng gobyerno kay Joma, sa Batasan 6, kay Ka Satur, at iba pa, halos dismiss na namang lahat dahil sa kakulangan ng ebidensya. Mr. Razon, if your evidence is so strong, you don't need a validation from the Netherlands. Tsk!
May dahilan ba para magsaya dahil nakakulong na si Joma?
"It’s a giant step toward peace, justice", sabi ni GMA.
Really? Kung ang pagsupil sa mga nag-aalsa ang solusyon, dapat sana'y matagal nang mag kapayapaan sa bansa. Parang langaw na nga lang kung patayin ang mga lider na ng mga legal na progresibong organisasyon. Marami pa ang nawawala tulad ni Jonas Burgos at iba pa. Sus!
Syempre pa, titingkad dito ang tunggalian ng uri. Para sa mga nakikinabang sa kasalukuyang kaayusan ng lipunan, dahilan ito para magsaya. Sa mga naglalayon ng pagbabago, isa itong malaking hamon.
No comments:
Post a Comment