Pero ok lang din naman kasi madami magandang nangyari sa pagpunta ko sa Mindoro. Trabaho ang dahilan kung bakit ako nandon pero sinamantala ko na rin ang pamamasyal.
REUNION
After 15 years, muli kaming nagkita ni Kuya Rod Agas. Kasama ko sya sa dormitory dati sa school at helping brother pa nga namin sya. Naging broadcaster sya sa Mindoro at ngayo'y Board Member na sa Provincial Government ng Occidental Mindoro. Nang nalaman nyang nasa Mindoro nga ako ay pinuntahan agad ako sa hotel. Matapos mag-almusal ay inilibot nya ako at ang aking kaibigan sa bayan ng San Jose.
Nakita ko rin ang mga dating kasamahang tibak noong college. Walang katapusang kwentuhan. Nagkakatawanan nga kami kasi negosyo na ang pinag-uusapan namin. hehe! Pero syempre nandon pa rin ang pag-aalala sa kalagayan ng bansa.
FIRST TIME
Dahil hindi ko pa nararanasang sumakay ng barko, pinilit ko ang kaibigan kong magbarko na lang kami at tsaka na lang mag-eroplano pabalik. Grabe, halos 15 hours kami sa dagat dahil sa lakas ng alon! Sira pa yung aircon kaya yun, mukha tuloy kaming nasa refugee camp. hehe! Pero ok lang din naman. Palagay ko'y makakaulit pa ako don.
First time ko rin sumakay sa Asian Spirit. Nakakatawa yung eksena kanina sa waiting area sa San Jose Air Port. Sira yung pinto papunta sa boarding area. Nagtulong-tulong pa ang isang pulis, isang scout ranger at isang airport staff para lang mabuksan ang sirang pinto. Inisip ko na lang na siguro naman ay maayos yung eroplanong sasakyan namin. hehe! Naalalo ko kasi yung sinasabi ng kaibigan kong taga mindoro na sa Asian Spirit daw, you fly as asian, you go down as spirit. hehe! Pero ok lang din naman ang experience, sobrang ingay nga lang.
Nakilala ko si Manny na isa sa tatlong lumibot sa isla ng Mindoro sa pamamagitan ng kayak sa loob ng 18 araw. Hindi ko alam kung sila ang unang gumawa noon. but just the same, that was cool! At dahil gusto ko maranasan magkayak, pinahiram nya ako ng gamit nya. Pero nung nandon na kami sa dagat, sabi nya'y mahihirapan daw ako dahil malakas ang alon. Eh matigas ulo ko. Sabi ko ay susubukan ko lang kung paano. Ayun, tumaob ako. Delikado pala yun talaga kapag malakas ang alon. hehe!
KPKK
Nagbakasakali na makakita ng tamaraw sa Mt. Iglit - Baco. Hindi naman talaga ito ang ipinunta namin sa Mindoro. Pero dahil nandoon na rin lang naman sa Mindoro, naghanap na kami ng mapapasyalan. Wala din kasingn maghatid na bangka sa amin papunta doon sa tinatawag nilang white island. Malakas nga daw kasi ang alon. Kaya yun, umarkela kami ng sasakyan para maghatid sa amin papunta sana sa Tamaraw Sanctuary. Kailangan pala ng permit para makapunta doon at mahigit limang oras na lakarin at akyatin yun. hehe! Mga dating tibak ang kasama ko dito kaya nagkatawanan na lang kami. Ipinaalala pa ng isa yung KPKK na tinatawag namin dati- Kongkretong Pagsusuri sa Kongretong Kalagayan. haha!
Pero di bale, mag-oorganize ako ng climb papunta sa Mt. Iglit-Baco next summer. Pwede rin siguro magdala ng mga libro para ipamigay sa mga batang mangyan. Hmmm.. bahala na.
kuya maganda yun naisip mo na dalin sa mga mangyan na libro. nun galing ako dyan, dumadaing sila na kakulangan ng pangunahin gamot. palibhasa ay malayo nga ang iglit sa kabayanan. kung sakaling matuloy yan neks year, gusto kong sumama at tumulong!! para maisakatuparan ko yun pagbalik at kaunting tulong sa kanila.
ReplyDeleteSige Deng, ayusin natin ang project sa mindoro next year...
ReplyDeletekuya Apol, galing na pala kayo dito sa amin, hindi ko namalayan. Sana nakasama ako sa mga lakad nyo. Anyway, sana sa susunod e ma-inform din ako. Naalala ko nakwento ni kuya rod sa akin e tapos na.. sly here..yung nakasama nyo minsan sa onting gala sa starbucks makati last year, kasama ako ni rex villarin.
ReplyDeleteSly, sayang nga at di tayo nagkita. Hayaan mo sa Feb 2008, plano ko umakyat sa Mt. Iglit-Baco. Sama ka sa amin. :-)
ReplyDelete