I agree heartily with GMA and Gonzales’s sentiments. If it is true that Sison has committed these crimes—and there are witnesses aplenty, not the least of them the widows of the dead, to testify so—then his arrest is indeed a giant step toward peace, a victory for justice and the rule of law. Then there is indeed every reason, from the perspective of freedom, human rights, and all that democracy holds sacred, to be very excited about it.[Inquirer.net]
Una muna, kung totoo ngang si Joma ang may utos ng pagpatay sa Military Agent na kay Kintanar at Tabara, mas dapat yatang dito litisin si Joma at hindi ipabaya sa mga Dutch ang paglilitis. Tunay na may hustisya kung dito sya lilitisin.
Yun ay kung may ebidensya nga.
Kaya lang, inako na nga ng NPA ang pagpaparusa sa dalawa. Hindi rin sikreto na ang desisyon ng CPP-NPA ay nakabatay sa kolektibong pagpapasya at hindi ito nakasalalay sa desisyon ng isang tao lamang. Papaanong mapapatunayan na si Joma ang may utos? Hmm... ang labo.
Balik ako don sa article ni Mr, De Quiros. Papaanong magiging malaking hakbang sa kapayapaan ang pagkaka-aresto kay Joma gayung hindi naman si Joma ang dahilan ng pag-aalsa, ng pagrerebolusyon?
May Joma man o wala, hanggat hindi natutugunan ang interes ng mga aping sektor ng ating lipunan - lupa sa magsasaka, makatuwirang sahod, pambansang industriyalisasyon, libreng edukasyon - sisiklab at sisiklab ang rebolusyon. Tsk!
Sa isang banda, mas mainam pa rin naman si De Quiros kaysa naman sa ibang burges na tahimik sa isyu ng pagpaslang sa mga aktibista pero nagtatatalon naman sa tuwa ng arestuhin si Joma. Sabagay, may tunaggalian nga pala ng uri.
No comments:
Post a Comment