Narito ang ilan sa aking mga obserbasyon.
Jun Lozada
Ipinakilala sya bilang bearer of truth. Sabi nya naman, hindi daw sya ang bearer of truth. Bagkus, ang katotohanan daw ang nagliligtas sa kanya. Humingi din sya ng tawad sa nagawa nyang pagkakamali noon. Nag-iwan sya ng hamon na samahan sya sa kanyang nasimulan. Napapalibutan sya lagi ng mga madreng tila nagsisilbing body guard nya.
Erap
Nagmukhang engot. Parang napilitan lang na magsalita. Hindi masabi ng diretso ang Gloria Resign. Kung ako naman sa kanya, di na lang ako pumunta sa rally para humarap sa mga nagpatalsik sa kanya. Ang weird. hehe!
Pero natawa rin ako don sa sinabi nya. Understaying daw sya sa Malakanyang. Pero si GMA daw overstaying. :-)
The Wuds
Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling narinig ang musika ng The Wuds, isa sa mga nagbigay ng pangkulturang pagtatanghal kanina. Kinanta nila ang Nakalimutan ang Diyos. Isa sa madalas kong kantahin habang naliligo. hehe!
The Jerks
Syempre nandoon din ang paborito kong The Jerks na kumanta naman ng Sayaw sa Bubog.
Tau Gamma Phi
Madami sila kanina. Mukhang brod nila yung camera man ng ABC-5 kaya naman todo ang exposure nila sa background habang nag-uulat ang cute na si Cheri Mercado
Hmmm... nasaan kaya ang mga APO. Mas sanay akong sila ang nakikita sa mga bob eh. :-)
Youth Activist
Mukhang masigla na ulit ang kilusang kabataan. May binuo silang alliance, Youth Act Now.
Taong Simbahan
Bagama't walang panawagan ang CBCP na magbitiw si GMA, marami namang taong simbahan ang naroroon kanina at tuwirang nananawagan ng pagbibitiw ni GMA.
Kita-kita ulit tayo sa mga susunod na pagkilos hanggang sa mapatalsik na si GMA. Hanggang magkaroon ng makabuluhang pagbabago.
Anong expression ni Cory nung kinakanta ng Jerks ang sayaw sa bubog? "Tuloy ang ligaya sa Hacienda Luisita, magsasaka't mangagawa kumakalam ang sikmura" or "EDSA ng pagbabago para saan? Kanino? hehe"
ReplyDeleteHehe! Kung di nga ako nagkakamali, kumanta nga yata ang the jerks right after magsalita nila erap at cory. dedma na lang siguro. haha!
ReplyDelete