Tuesday, December 16, 2003

Ilan ba ang diyos sa Pilipinas?

Sabi ni GMA ay naaayon daw sa kagustuhan ng diyos ang kanyang muling pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas.

Pero ang desisyon ba ni Bro. Eddie Villanueva ay di naaayon sa kagustuhan ng diyos? Naalala ko tuloy ang Jesus Declaration of Victory ng Jesus is Lord Movement noong nakaraang halalan. Talo si De Venecia. Di ko na nalaman pa kung ano paliwanag nila dito.

At kahapon hindi lang isang sugo ng diyos ang pumunta sa COMELEC na nagnanais kumandidato bilang pangulo ng Pilipinas. Nuisance man kung sila ay ituring kahit paano naman kapag tinanong tungkol sa kanailang palataporma ay mayroon silang sagot. At nakakapag bigay aliw pa kahit paano. Hindi tulad ni FPJ na aasa lang sa kanyang mga advisers.

Juice ko pong pineapple bayan!

No comments:

Post a Comment