Thursday, April 24, 2008

15% Tax on Remittances from OFWs

May kumakalat na email tungkol sa 15% tax sa mga remittances ng mga OFW's.

Mainit na usapan din ito ngayon sa mga online forums ng mga OFW's. May mga nagsasabi na malapit na daw ito ipatupad. May nagsasabi naman na ito daw ay kung magpapadala lang sa Western Union, magkakaroon ng documentary stamp tax.

Syempre, nag-iinit na naman ang mga OFWs.

Hi Everyone,

I am curently on vacation here in the Philippines and it happened that I asked somebody to send me money through Wester Union.

There is a SHOCKING pending PAHIRAP na naman sa ating mga OFW na aking nalaman while claiming the money from the Western Union office here.

Magkakaroon daw ng 15% TAX ang mga remittances coming from abroad to the Philippines . Approved na raw ng Senado. Correct me if I'm wrong, wala akong nababasa sa Newspaper or nababalitaan na may ganitong
panukala sa Senado. Pero very sure ang Accountant ng Western Union and in fact ipinakita at nakita ko ang naka-program nang provision ng nasabing TAX sa resibo na pinirmahan ko sa Western Union . Itinanong ko kung may lumabas ng Circular or something to this effect, but sabi niya ay wala pa pero may abugado raw na nag-confirm nito sa kaniya na aprubado na nga ng Senado.

Can somebody from the Phil Embassy there in Doha confirm this?

This will be avery BIG BLOW to the the OFW on top of the continuous deterioration of the curency exchange rate. Kawawa lalo ang karamihan sa mga maliliit na manggagawa (w/c sadly is the majority of the OFW).

Isang simpleng pagsasalarawan ng epekto po nito kung maimplement na ay ang sumusunod:

US$ 100.00 @ the current exchange rate of Php 41.60

Php 4,160.00
TAX 624.00 (15%)
-------------
Php 3,536.00 Ito na lang po ang matatangap ng inyong Pobreng Beneficiary
======

According to Western Union , naghihintay na lang sila ng go signal from the government para i-implement ang bagong pahirap na ito.

Regards,
Gerry V. Legaspi
UPWARD

Palagay ko ay hindi naman ito totoo. Pero kung totoo nga ito, !@#$%^&*()_)+@#!!!!!

Update April 27, 2008
Galing ako kanina sa Western Union, kinuha ko yung kaunti kong kinita sa Adsense. Hindi naman pala ito 15% tax gaya ng kumakalat sa email, 0.15% lang pala.

Documentary Stamp Tax (DST) pala ito para sa mga remittances galing abroad. Ang DST ay tatlumpong sentimo (P.30) kada dalawang daang piso (P200) o 0.15% ng perang pinadala na kinokolekta ng gobyerno para kurakutin maging pondo nito.

Sa May 30, 2008 ito uumpisahang ipatupad. Ibig sabihin, ang susunod na kikitain ko sa adsense (kung mayroon pa. hehe!) ay may bawas na.

Swerte talaga ni FG.

7 comments:

  1. panibagong pahirap na naman nga iyan kung totoo. ofw din ako, pero sa case ko, derecho nang papasok ang remittance sa banko dito sa pilipinas.

    ReplyDelete
  2. kahit hindi OFW eh marami pa ding pahirap. Katulad ko, ordinaryong empleyado dito sa Pinas, pero wag ka, sa kumpanya namin eh bigla bigla na lang nagpapatupad ng memo na hindi namin alam. Makikita na lamang namin sa payrol na 2 na kaltas para sa SSS contribution at PAgibig. hay, buhay, ang overtime ay nasa tax na at ang meal allowance ay nasa deductions. Grabe noh? Asan b ang tinatawag na GLORIA dito sa atin?

    ReplyDelete
  3. Each time I watch the news the only thing that I am thankful for is the fact that I am not a taxpayer. At least, I can take consolation on the fact that I don't have any shares in the money that those assholes and bitches in the government are stealing from us in broad daylight. Sadly, I'm afraid I won't be able to be that thankful anymore. I might as well re-consider my self-imposed "No Remit Policy" once again.

    ReplyDelete
  4. False alarm pala mga kapatid. hehe!

    But just the same, bad trip pa rin talaga! :-)

    ReplyDelete
  5. Tama ka ang swerte ni FG.

    Bakit kaya laging napapagtripan kaming mga OFW. Ginagawa kaming gatasan ng gobyerno pero wala naman naiitulong sa amin.

    Few years ago, kapag kumukuha ako ng OEC sa POEA bandang hapon na ako pupunta para konti na lang pila at normally within 1 hour tapos ko na ang documentation. Pero nagbago ang sistema imbes na napabilis lalo at humaba ang pila at ngayon kahit hapon na ako dumating puno pa rin. Sabi ko things is getting to worst bakit kaya.

    Iyon pala kaya pala binago ang sistema para mapadako ang pansin ng mga OFW sa LBC courier. Dahil nga sa haba ng pila mapipilitan kang kunin ang serbisyo ng LBC na halos nasa kahilera ng counter.

    So dahil ayaw mong maabala at pumila, doon ka tutungo sa LBC. Hindi ko matandaan kung kano ang charges, pero ang alam ko kapag sa LBC POEA ang charge eh halos doble kumpara sa labas na outlet ng LBC.

    Siyempre, kaya mataas charge ng LBC doon dahil may extra charges silang binabayaran sa taga POEA. Hay buhay.

    ReplyDelete
  6. kahit 0.15% pa yan, malaki pa din. imaginin mo kapag nagpadala ka ng pera sa pinas, may fee ka ng binabayaran sa western union. pagkatapos, pagdating dito sa pinas, babawasan pa!

    sa dami ng OFWs, madami madami din yang 0.15% na yan!

    sobra na talaga ha!

    ReplyDelete
  7. Asthong, ang dami talagang raket ng gobyerno na mga ofw ang pumapasan. tsk!

    Mari, oo nga, medyo malaki din yan kapag pinagsama-sama. Pero yung iba naman kasi ay hindi na sa western union pinadadala ang remittances. bank to bank na, di ko nga lang alam kung may ganun din itong charges. :-)

    ReplyDelete