Tuesday, April 22, 2008

Enrollment na naman ni Pia

Enrollment na naman ni Pia. Pinapag-isipan ko pa kung kinder muna sya o kaya ay sa prep na agad. Five year old pa lang si Pia pero sabi ng titser nya, pwede na naman daw sya sa prep para sa susunod na taon ay grade 1 na sya.

Pwede na pala ang 6 year old sa Grade 1?! Ako kasi ay hindi na dumaan sa nursery-kinder-prep. Diretso na ako sa Grade 1.At nagsimula ako sa grade 1 ay pitong taong gulang na ako. Ang gusto ko sana ay dumaan muna sya sa kinder kasi hindi pa naman talaga marunong magbasa.



Nang ipakita ko nga sa kanya yung libro ni Batjay, at nakita yung komiks, ang tanong nya eh bakit daw nangungulangot si Batman. hehe!

Aliw na aliw ako makipag-usap kay Pia kasi parang ang tanda-tanda nya na makipag-usap. May style pa syang ganito:
Daddy, may ikukwento ako sayo. Matatawa ka dito...

Minsan daw natutulog ang yaya nya, kinuhanan nya ng picture gamit anga celfon ng Tita nya tapos ginising nya para ipakita yung picture. Malokong bata. hehe!

Hindi ko pa alam kung magkano na naman ang kailangan ni Pia para sa buong taon. Sana ay sapat ang ipon ko para doon. Pero kung kulangin man, madali naman yatang humingi ng balato kay Chairman Abalos? O kaya naman ay mag-text na lang ako kay Mr. Gaite gaya daw ng ginawa ni Lozada. hehe!

Mahaba-habang panahon pa ang bubunuin ko at madami-daming pera ang kailangan bago pa makatapos sa pag-aaral si Pia. Lalo pa nga at gusto nya raw maging dentist. Hindi ko alam kung saan sya nakakuha ng ideya, pero nang tanungin ko sya kung bakit yun ang gusto nya, para daw igawa nya ng pustiso ang lola nya sa tuhod. Wala na daw kasing ngipin.

9 comments:

  1. sabihin mo maalikabok kasi sa batcave kaya madumi ang ilong ni batman.. bwahehe..

    ReplyDelete
  2. well, mahirap nga magpaaral sa panahon ngayon pero at least alam ko masuwerte pa rin si Pia kasi ikaw ang naging Tatay niya. nakakasiguro na siya na kahit ano'ng mangyari itatawid mo ang pag-aaral niya.

    ReplyDelete
  3. 6 years old din nung nag-grade 1 ang anak ko. inabot ng 40k ang enrollment. grabe.

    nung hinatid ko siya nung first day dumaan ako sa chapel ng school niya at umiyak ako. nakakaloka.

    yun lang. hehe.

    pag-kinder mo muna kaya?

    ReplyDelete
  4. dito sa singapore, kinder 2 na ang anak kong 5 year old. next year, grade 1 na. nakaka-praning.

    ReplyDelete
  5. KG1 na rin si Angela this September. Pareho tayo Apol, derecho grade 1. Dito kasi sa Dubai, kakaloka, may KG1, KG2 and KG3. Napaka complicated. At mas nakakaiyak yung tuition. But then again, as parents, wala tayong di gagawin para sa kids natin db?

    ReplyDelete
  6. Euo ang sunod na tanong nun eh, bakit maalikabok sa batcave? hehe!

    Ate Jet Tats naman don. :-) Sana nga swerte si PIa sa akin. hehe!

    Ging Maganda, dahil maindi ang pananampalataya ko sayo, kinder ko lang muna sya ini-enroll. :-)

    Sigaw tayo: Edukasyon, Edukasyon, karapatan ng mamamayan! hehe!

    ReplyDelete
  7. Ruth, ay sinabi mo pa! nakakapraning talaga! hehe!

    Ria, mahal din pala tuition dyan? Punta na kasi kayong Canada! :-)

    ReplyDelete
  8. congrats sa winner mong desisyon!

    ReplyDelete
  9. Thanks Ging na Maganda! :-)

    ReplyDelete