Saturday, April 19, 2008

Bonding with Pia: We watched Dora the Explorer Live!

Hindi ako pumasok sa trabaho noong Biyernes para samahan si Pia sa panonood ng Dora's Pirate Adventure Show sa Aliw Theater.

Kakaunti lang ang nanood kahapon. Medyo nagkagulo pa nga nang nagpasya ang organizers na palipatin sa harap ang mga nasa likod. Syempre, may mga nagreklamo. Hindi nga naman ito patas para doon sa mga nagbayad ng mahal para makaupo doon sa harapan.

Bigla tuloy ako nagsisi kung bakit hindi yung pinakamurang tiket na lang binili ko. hehe!

Sa kabuuan ay maganda naman ang palabas. Mas nagustuhan nga sya ni Pia kaysa doon sa Barney show noong December. Pero palagay ko ay mas maaaliw ang mga bata kung maskot din ang gumanap na Dora.

Dahil medyo mahaba din ang break nila, medyo inantok si Pia at bahagyang nakatulog. Pero nang magsimula muli ang palabas ay sumigla na sya ulit at aktibong sumasagot kay Dora.

Swiper stop swiping! Swiper stop swiping!

Ewan ko ba kung bakit si Gloria at Mike Arroyo ang unang pumasok sa isip ko nang itinataboy ni Dora at mga kaibigan nya si Swiper dahil gusto nyang agawin yung treasure chest. Sakto naman na pagdating namin sa bahay, palabas sa balita yung protesta ng mga UP Manila Students habang ginaganap ang kanilang graduation ceremony. Hindi ko napigilang pumalakpak. Asteeg!

3 comments:

  1. natawa naman ako sa kwento mo Apol. mag-ama nga kayo ni Pia, pareho kayong ma-react sa pinapanood nyo... hehe. ang cute nyo.

    ReplyDelete
  2. kainggggit lo!!!

    sana bumalik sila pag 2 years old na yena.. ung marunong na siyang pumalakpak tulad mo lo este ni pia! :)

    ReplyDelete
  3. @Ate Jet wehehehe! Thanks!

    @Niko Next time, sabay sabay tayo manood nila Yena!

    ReplyDelete