Monday, April 14, 2008

Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig Book Launch

Successful ang book launch ng Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig kanina! Ang daming pumunta kaya naman sold out ang libro ni Batjay. Hindi ako pumasok sa opis kanina kaya nakapunta ako. Ito ang unang pagkakataon na pumunta ako sa ganitong pagtitipon at magpapirma ng libro sa mga may akda ng nito. hehe!

Mini Bloggers EB
Gaya ng aking inaasahan, madami akong makikitang mga bloggers. Sayang nga lang at hindi nakarating ang ibang taga blogkadahan.com.

Nandoon kanina ang ilan sa mga blogging berks na sina Nick, Tito Rolly, Ajay at syempre si Batjay. Nakilala ko rin si Pauline, na matagal ko nang nakikita sa blog ni Nick. May bonus pang blogging tips kanina mula kay Manuel Viloria (Ser, salamat sa tips!)

Books! Books!

Kasabay ng launching ng libro ni Batjay ang ilan pang mga libro na inilathala ng Fox Literary Publishing House. Dahil ang gaganda ng mga authors interesting ang pagsasalarawan ng mga authors sa kani-kanilang mga akda, bigla tuloy akong bumili ng Dagta:Antolohiya ng Erotikang Kwento at pati na rin yung Tres Amores (tatlong kwento ng pag-ibig) na isa sa mga may akda ay si Beverly Siy na bukod sa talaga namang maganda ay gusto ko yung dedikasyon na isinulat nya sa kopya ko:
Para sa panitikan, para sa bayan...

Asteeg! di ba?

Bumili rin nga pala ako ng libro ni F Sionil Jose, yung Shreds. Kaunti na lang at makukumpleto ko na rin ang koleksyon ko ng mga nobela nya!

Yun nga lang, naiwan ko naman sa kotse ni Tito Rolly yung mga pinamili kogn libro. hehe! (Tito R, pakidala sa Miyerkules ha?)

6 comments:

  1. mas matino pala gumawa ng dedication si bebang para sa akin, hehaha. di bale next time, plaplanuhin ko na ang mga isusulat ko sa mga autograph ko. har.

    ReplyDelete
  2. correction: si bebang...*kumpara* sa akin

    hahaha. OC.

    ReplyDelete
  3. OC. hehehe!

    uhmm... di bale pareho naman kayong maganda. LOL

    babasahin ko yun agad kapag nakuha ko yung mga books sa wednesday. dangan naman kasing naiwan ko pa yung mga libro. :-)

    ReplyDelete
  4. sana po ma-enjoy niyo! maraming salamat muli!

    running joke sa eskwelahan na si bebang ang nawawala kong kapatid eh. charos

    ReplyDelete
  5. hello!

    updated na yung links ko. salamat! hehehe.

    ReplyDelete
  6. daig kita, nakanenok na ko ng picture kay watson at kay doc. beeeh

    hahaha

    ReplyDelete