Monday, April 28, 2008

Gusto ko sana kaya lang di pwede

Gusto ko sanang magpalipas ng gabi sa ibabaw ng buwan. Mula siguro doon ay mas magandang pagmasdan ang mga bituin.

Gusto ko sanang humiga sa ibabaw ng ulap. Iniisip ko kasi na ang mahiga doon ay parang nakahiga sa nakalutang na bulak.

Gusto ko sanang sumisid sa ilalim ng dagat hanggang matagpuan ko ang nawawalang Atlantis. Mas payapa sigurong mamuhay doon.

Gusto ko sanang bumalik sa nakaraang panahon. Gagawin ko yung dapat at iiwasan ang hindi dapat.

Gusto ko sanang dumating ang panahon na di ko na gustuhin ang bagay na hindi naman pwedeng mangyari. Bukas kaya pwede na yun?

Pero gusto ko sana ngayon na.

6 comments:

  1. gusto ko sanang maintindihan kung bakit minsan kailangang maging napakahirap ng buhay. kung tutuusin, simple lang siya.

    ReplyDelete
  2. gusto kung sumama kapag pde na. hehe.

    ReplyDelete
  3. Ate Jet, oo nga ano,simple lang naman talaga dapat. bakit nga ba ganun? hehe!

    Sweet Lady, sige kabayan, aabisuhan kita kapag pwede na. :-)

    ReplyDelete
  4. Gusto ko sana mag-iwan ng malalalim na salita pero hindi ako ganon kagaling managalog kaya...

    *claps claps claps*

    I loved it. Super dreamy poem.

    Pasensya na't nag-English nalang ako hehehe.

    ReplyDelete
  5. Napagandang mga pangarap, ok yan wala na mang bayad ang mangarap kasi kung pati pangarap ay may bayad tiyak na di mangyayari ito at tiyak may 12% e-vat yan, salamat sa kababayan nating si Ralph Recto....he he he

    ReplyDelete