Thursday, May 29, 2008

Gateway to Canada

Bumili ako ng domain para sa canadian visa blog ko: www.gatewaytocanada.com. Ito ang pangalawang domain na binili ko. Ang una ay yung Batangueno.Net

Huwag po kayong mahiya na baguhin ang link sa mga blog nyo kung mayroon man. Kung hindi pa ito naka-link sa inyong mga blogs, aba, ay mas lalo kayong huwag mahiya idagdag. hehe!

Medyo dumadami na kasi ang subscribers ko sa canada visa blog ko na iyon. Nakakatuwa nga dahil may mga ibang bansang naliligaw doon at nagsu-subscribe. Minsan nga'y may nagpapadala pa ng email at nagpapatulong sa kani-kanilang mga applications.

May isang taga India nga na nagpatulong sa kanyang work permit application. Na-refuse daw kasi ang application ng kanyang pinsan at natatakot syang baka ma-refuse din. Ilang beses din kaming nagsulatan sa email bago nya ipadala ang kanyang application. At tuwing may development sa application nya ay binabalitaan nya ako. Ang huling email nya ay nitong nakaraang lingo, natanggap nya na raw ang kanyang visa.

Ang sarap sa pakiramdam.

3 comments:

  1. wow, ang galing, Apol! Sarap talaga ng pakiramdam to know that you are able to help others.

    ReplyDelete
  2. Ang galing Apol! Masarap nga ang pakiramndam kapag ika'y nakakatulong ng iba. Malay mo mas marami ka na ring natulungan sa pamamagitan ng pagbigay lang ng impormasyon, hindi lang sila sumusulat sa 'yo. :D

    ReplyDelete
  3. Salamat mga berks! Kaya nga aliw na aliw ako sa trbaho ko ngayon eh. :-)

    ReplyDelete