Tuesday, May 20, 2008

Paalam, Ka Bel...

Sa isang talumpati ni Mao Zedong, ito ang kanyang sinabi tungkol sa kamatayan.
Ang lahat ng tao ay tiyak na mamamatay, ngunit ang kamatayan ay maaaring mag-iba ng kabuluhan. Ayon sa sinaunang manunulat na Tsinong si Szuma Chien, “Bagamat ang kamatayan ay sumasapit sa lahat ng tao, ito ay maaaring higit na mabigat kaysa Bundok Tay o higit na magaan kaysa balahibo.” Ang mamatay alang-alang sa sambayanan ay higit na mabigat kaysa Bundok Tay, subalit ang maglingkod sa mga pasista at ang mamatay para sa mga mapagsamantala at mapang-api ay higit na magaan kaysa balahibo.

Marami ang nalungkot sa pagkamatay ni Ka Bel. Hindi ito nakapagtataka sapagkat halos buong buhay nya ay nakatuon sa paglilingkod sa uring manggagawa at iba pang aping sektor ng lipunan.

Ang pagkamatay ni Ka Bel ay higit na mabigat sa Bundok ng Sierra Madre.

Ka Bel


Isa si Ka Bel sa mga hinahangaan ko at marahil ay walang tibak na hindi humahanga sa kanya. Mula pa noong kasagsagan ng diktadurya ni Marcos ay nakikibaka na sya para sa interes ng manggagawa. Tunay na malaking kawalan si Ka Bel sa kilusang paggawa, subalit tiyak naman na magpapatuloy pa rin ang laban ng uring manggagawa.

Paalam, Ka Bel.

3 comments:

  1. Good morning kuya apol!!!!

    Ganyan talaga ang buhay... Ipagpatuloy mo na lang ang mga pinaglalaban ni Ka Bel :):):)
    Alam ko naman dyan ka magaling eh..hehehehhe...

    Kamusta naman ang pagkakape?
    Sana man lang mang alok, diba?

    ReplyDelete
  2. sabi ko na nga ba cguradong may entry ka tungkol kay Ka Bel.

    habang pinapanood ko kasi ung news about sa pagkamatay nia ikaw agad ung naalala ko...sbi ko tiyak magppost ka about sa pagkawala nia..

    ReplyDelete