Mabuti pa ang asong ito at may sapatos, samantalang ang daming batang pulubi ang yapak na pakalat-kalat sa kalye at namamalimos para lang may makain. Hindi makatao ang sistemang panlipunan na nagapapanatili ng ganitong kaayusan. Hindi naman ito kasalanan ng aso. Syempre.
Pero, payag ka ba sa ganitong kaayusan?
Kagabi ay may napanood akong patalastas sa TV na kung saan ay nananawagan ng pagbabago Mr. Shooli, kasabay ng pagtuligsa sa pagkahilig ng mga Pilipino na sumasama sa rally. Ilang people power na raw ang nangyari at ilang kudeta ang naganap pero wala naman daw pagbabago. Ang pagbabago daw ay nasa sarili.
Sa patalastas ding ito ay pinalalabas na may bayad yung mga sumasama sa rally. Kung hindi ako nagkakamali, flag ng LFS yung isang nakita ko. Nakakainsulto ang bahaging ito lalo pa nga at naging kasapi din ako ng LFS noong nasa kolehiyo pa ako. Mas malamang pa na may bayad si Mr. Shooli para sa patalastas na iyon, para sa isang propagandang nagbabalewala sa mga sama-samang pagkilos ng mamamayan. Pero ang mga kilusang gaya ng LFS ay hindi tulad nyang nababayaran.
Ang pagbabago'y nasa sarili?
Siguro nga. Pero mahirap ito lunukin ng mga manggagawang di sumasahod ng tama, ng mga magsasakang inagawan ng lupa, ng mga maralitang taga lungsod na nakagisnan na ang lansangan bilang tahanan at iba pang aping sektor ng ating lipunan na walang oportunidad para sa maayos na buhay. Ang suliraning ito ay bunga lang ng di makatarungang sistema ng ating lipunan, na siyang dapat baguhin.
Sabagay, kung nakikinabang ka nga naman sa ganitong sistema, bakit mo nga naman ito babaguhin? May mga nagsasabi pa ngang tamad lang mahirap kaya naghihirap.
Mata'y ko mang isipin, napakaswerte talaga ng asong yun. Pero darating din ang araw na magkakasapatos din yung mga batang nakikita ko sa tulay. Mababago rin ang sistemang kumukonsinte sa ganitong kaayusan. Mahaba man at mahirap na lalandasin tungo dito pero darating at darating yun.
Sana.
kamukha ng asong yan yung aso ng asawa ng boss ko na english-speaking. pag di nakatingin yung mga amo ko sikreto ko siyang sinasakal/ ginagawang floor rug (depende sa pwesto niya sa akin)
ReplyDeletenaaasar ako na dinadala sila sa mga spa-spa na pang-hayop gayong yung ibang bata, walang makain, walang gamot sa leukemia nila, at hindi rin makapag aral.
isang bisita sa pet spa, mas mataas pa bayad kesa sa isang buwang pagpapaaral ng bata ng thru World Vision.
hay buhay!
kawawa naman yung aso ng asawa ng boss mo. hehe!
ReplyDeleteang weird talaga ng kaayusan ng daigdig :-)