Tuesday, May 13, 2008

Breakfast at KopiRoti

Kopi roti


Sa KopiRoti ako nag-almusal kanina. First time ko dito at ngayon ay alam ko na kung bakit maraming mahilig sa kopi bun. Masarap palang talaga!

Pero mas masarap ito kasi kasama kong nag-almusal ang mga kaibigan mula sa blogkadahan.com

berks at kopi roti

(L-R)Nick, Doc Emer, me, Mec and Toni

Ito ang pangatlong breakfast meeting namin. Balak na nga naming gawing dalawang beses isang buwan, lalo na kapag natuloy na yung maliit naming proyekto. Abangan...

Ang totoo, kakatapos lang naming magkita-kita noong Biyernes. Nakabakasyon kasi dito sa Pilipinas si Tito Romes, na kasamahan din namin sa Blogkadahan.com. Nagsalu-salo kami sa isang masarap na hapunan sa Mangan sa Robinson's Place sa Manila. Totoo pala ang tsismis na batang-bata pa at poging-pogi si Tito Romes! hehe!

berks at robinsons place



Si Ajay yung nasa dulong kaliwa at si Tito Romes yung nasa dulong kanan. Katabi ni Tito Romes si Mari at nasa likod naman si Jojo na may karga kay Yakee.

Masaya ang mga ganitong pagtitipon kaya naman kung wala rin lang ibang mas importanteng lakad, lagi akong present sa kainan mga Berks Meetings.

Ah, enjoy talaga mag-blog!

7 comments:

  1. Yes! Excited na ako sa project natin!

    ReplyDelete
  2. Kainis at parati akong di pwedeng makarating dyan sa breakfast na yan. Lalo na next week at umpisa na ang report ko sa trabaho. Subukan nyo naman ang breakfast sa ATC o, hehe

    ReplyDelete
  3. sobrang layo, tito rolly!

    ReplyDelete
  4. Anong project yan? Sounds eksayting;)

    ReplyDelete
  5. di ko pa na-try dyan...dumaan lang pareng apol

    ReplyDelete
  6. Thanks Apolski, buti napasyal ako sa blog mo...kakatuwa naman ang mga piktyur, kilig naman ako sa papuri mo. Guilty naman ako, nakalimutan ko ang present ni PIA, excited kasi akong nag-pack para sa grupo. Eniwei, neks taym, siya ang priority ng tito rome niya. Musta na lang sa grupo sana lagi kayong masaya at malusog para laging kaigaigaya ang pagtitipon.

    ReplyDelete
  7. masarap nga ito. shet, nagutom ako bigla :)

    ReplyDelete