Saturday, December 13, 2003

Sarap maging bata muli

Lumuwas kanina yung 2 kong pamangkin, Si Tintin (6 taong gulang) at si Katkat (8 taong gulang), kasama ang kanilang Mama. Matagal ko na ring hindi sila nakikita kaya pinuntahan ko sila sa opisina ng kanilang Mama. Isinama ko yung 2 bata sa Mcdo para mananghalian at para na rin makipagkwentuhan. Tinanong ko sila kugn ano gusto nila sa pasko. Kung regalo ba o cash na lang. hehehe! Sabi nung dalawa kahit anong regalo na lang daw. Pero bago kami maghiwa-hiwalay ay may iniabot na sulat sa akin si Tintin:

Ang sabi nya: Dear Guwapong 'Kel (Guwapong Uncle. ako yun, walang kokontra), mamimili tayong dalawa sa SM ng iyogiohh (yun yata yung magic cards?) 2 barbie (yung manika siguro) at 3 picnic (potato strips malamang). I love you Guwapong Kel.

Ang sweet talaga ng pamangkin kong yan. May ginawa rin syang sulat para sa akin ilang araw bago kami ikasal ni misis. Mabuti pa ang mga bata, walang masyadong iniisip at di komplikado ang buhay. Wala lang, medyo emosyonal kasi talaga ako eh :)