Wednesday, February 11, 2004

Gamitan?

Ang sex bomb girls ay para kay FPJ. ang viva hot babes naman ay para kay GMA. Kanya kanyang gamit sa mga artista para makahatak ng mga tao sa kanilang mga rallies. Kunsabagay, may mga artista din namang nagpapagamit eh. Lumalabas tuloy, gamitan lang sila! Pweh! Pero may ilan din naman na mulat na sumusuporta sa mga kandidato, walang bayad. Sumasaludo ako sa kanila (hindi kasama si Goma don).

Napanood nyo ba yung biodata sa channel 7 noong lunes? asar na asar ako habang sumasagot si GMA sa mga tanong ni Mel Tiangco. Paikot-ikot yung mata na ewan ko ba. Ang dating sa akin ay parang iba yung nasa loob nya kesa sa mga sinasabi nya. Sa madalign salita, parang nanloloko. May part pa nga na medyo nadulas sya eh. Ano daw yung mga priorities nya. Sabi nya ay una ang pamilya. Tapos biglang bawi, una muna raw ang Diyos, sunod ang bayan at bago ang pamilya. Hehehe! Saan pa nga ba na bibingwit ang isda? Eh di sa bunganga! kaya lang kung isa mang isda si GMA, siya siguro yung isda na di pwedeng kainin kasi nakalalason. Palagay ko lang naman yun.

No comments:

Post a Comment