Kakatuwa nga yung feedback ng mga guests. Gawin ko na raw regular ang pagtugtog ng ASIN. Yung iba naman ay may mungkahi na grupo naman ni Sampaguita naman ang sunod na imbitahin. hehe! Kahit na biglang nawalan ng kuryente sa kalagitnaan ng isa nilang kanta, hindi naman ito naging problema kasi yung mga guests na rin mismo ang nagtuloy sa pagkanta. hindi naman nagtagal ay nagkaroon ulit ng kuryente.
Malinaw na may market pa rin ang ASIN dito sa Parañaque City. Balak ko nga sanang gawing regular ang pagtugtog ng ASIN tuwing Sabado, pero yun nga lang hindi na pwede kasi fully booked na daw sila hanggang December. Basta ang sigurado, babalik at babalik ang ASIN sa Mediahub Café! At bukod pa dito, maaaring isunod ko naman ang grupo ni Sampaguita. At dahil sa mainit na pagtanggap sa ASIN kagabi, medyo malakas na ang loob ko ngayong imbitahan ang iba pang mga paborito kong musikero!
Ser Gari, salamat sa picture ;)
No comments:
Post a Comment