Thursday, May 11, 2006

Big Brother House sa Makati

Nakatira ako ngayon sa sa isang apartment sa Makati. Lima kaming magkakasama sa bahay, tatlong babae at dalawang lalaki. Lahat kami ay graduate ng Sisters of Mary School (SMS). Hindi kami magkakabatch, nagkakila-kilala na lang kami dahil sa alumni association namin. Sa totoo lang, marami ang nagtataka kung bakit ganoon ang bonding namin samantalang ang nagkokonekta lang naman sa amin ay ang eskwelahang pinanggalingan namin noong high school. Ewan ko ba, iba kasi talaga ang bonding ng mga anak ni Fr. Al.

Si DnP. Accountant. Matagal ko na rin syang ka-chat bago pan kami nagkasama-sama sa bahay. Isa sya sa mga nakakausap ko sa mga problema, ganun din naman sya. Dahil mas gusto nyang nasa bahay na lang kaysa sa maglakwatsa, ang bansag ng iba sa kanya ay manang maria clara. Graduate na daw sya sa mga gimik-gimik. Seryoso at may strong determination. Sabi nila mataray at suplada, pero hindi naman. Hindi lang talaga nila masakyan ang trip ni lola.

Si Zig. Pambato ito sa basketball. Magaling din makipag boxing. haha! Laging wala sa bahay at gabi na kung dumating. Sabi nya ginagabi daw sya sa trabaho. Pero duda naman kami minsan kung sa trabaho talaga ginagabi. Accounting graduate din sya.

Si Binx. Ah, isang certified call girl. Dati syang titser pero dahil mas mukha syang estudyante kaysa sa kanyang mga tinuturuan, nagpasya na lang na sa call center magtrabaho. Habang kaming apat ay nasa trabaho, sya naman ay natutulog sa bahay. At dahil nga panggabi sya, sya ang nagluluto ng aming hapunan. Siya rin ang tagapamalengke namin. Yun ay kung wala syang sumpong. Masarap magluto at hindi takot mag-eksperimento. Pinakamaingay lagi. Pinakamakulit. At maluffet kapag na in-love talaga. hahaha!

Si Chippy. Uhmm.. never been kissed, never been touched. Pinakamaselan sa gamit. Sosyal daw sabi ni Binx. Pero ginulat kaming lahat sa Kenny Rogers muffin challenge. Di ko ikukwneto dito kung ano ginawa nya baka magalit. haha! May umuugong ngayong balita na may BF na daw sya. Bagay na ikinagugulat ng lahat ng aming kakilala. Ang hindi nila alam, matagal na sana syang may bf. Masyado lang daw mabilis ang lalaking yun kaya umayaw sya. Muntik na daw kasing gumuho ang mundo nya sa nangyari. Hinawakan daw ang kanyang kamay.

Madalas kaming may bisita sa bahay, mga graduate din ng SMS. Kwentuhan, nanonood ng DVD, kumakain at syempre nag-inom. Hindi pwedeng walang inuman basta't nasa bahay alin man kina F7, Bugoy at Euo. Kagabi, nag-inom kami nila F7 at Euo. Pero hindi naman ako masyado uminom una dahil ayaw ko ng red horse at pangalawa, gusto kong matulog ng maaga. Kung hindi nga lang nag-e-emote si F7 at Euo, hindi talaga ako iinom.

Hati-hati kami sa mga gastos sa bahay, pati na sa linguhang pamamalengke. Para kaming nasa Big Brother House. Ako ang pinakamatanda kaya ako daw ang Big Brother. haha! Ako ang tagapaghanda ng almusal at tagalabas ng basura tuwing umaga.

Malaking bagay na nakasama ako sa grupong ito. Madalas ang tawanan, biruan at kwentuhan. Bagay na kailangang-kailangan ko sa ngayon. Sana lang, huwag munang mag-asawa si Chippy para matagal pa rin kaming magkasama-sama.

5 comments:

  1. di ko matanggap ang description mo kuya! HINDI AKO MANANG! hmmp!! You just cannot understand me. Ano ba naman kasi po ang makukuha ko sa pagimik gimik no? It depends kuya. I do what I want, go where I want ..with whom I want. Todo explain ba.

    ReplyDelete
  2. wa wenta!!!!! hahaha

    ReplyDelete
  3. hahahahahah! sobra tawa ko don ha! pero ayus sa description... sarap pa sana elaborate! kya lng baka magulat ung mga babasa... =)

    ReplyDelete
  4. forgive my filthy head, but 3 girls and 2 boys are a great blend for what austin powers would call a "smashing raunch." lolz.

    ReplyDelete
  5. oist.. hindi ako umiinom noh.. saka minsan lang ako pumupunta sa MH..

    ReplyDelete