Tama ba? Kung plano mo bumisita sa Sisters of Mary sa Korea, this is for you. Ibabahagi ko rito ang karanasan ko sa pagbisita sa SOM Korea at ilang tips na rin sa Visa Application at sa pagpunta sa SOM Korea.
Korea Visa Application
Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako sa Korea, kaya medyo naging madali para sa akin ang mag-apply ulit ng visa ngayong taon.
Unang beses ako nakapunta sa Seoul Korea ay noong 2013 kasama ko ang aking mag-ina. Syempre pa, pinilit kong makapunta sa Sisters of Mary Seoul. Medyo mahirap puntahan pero sa tulong ng isang SOM graduate mula sa Mexico, natunton ko din naman.
Pangalawang punta ko ay noong 2014 kaugnay naman ng 50th Year celebration ng Sisters of Mary sa Korea. Kasama ko naman sa byaheng ito ang ilang ASMSI friends mula sa iba't-ibang batch. Masaya ang byahe na iyon, historic din dahil nagtipon-tipon doon ang mga graduates mula sa iba't-ibang bansa - Korea, Pilipinas, Mexico at Brazil.
Kaya ayun, nabigayan ako ngayon ng 5-year multiple entry visa!
Kung Philippine passport holder ka, kailangan mo ng visa para makapunta sa Korea. Ang visa requirements, depende sa sirkumstansya mo, ay pwede mo makita dito. Kailangan mong dumaan sa accredited travel agency sa pag process ng iyong visa.
Kung ang layuinin mo sa pagpunta sa Korea ay bumisita sa Sisters of Mary, mahalaga na makipag-coordinate ka sa SOM Korea. Una para alam nila kung kailan ka dadating at makapaghanda sila doon. May mga gawain sila doon at hindi nakakatuwa kung dadating ka na lang bigla-bigla na walang pasabi. Pangalawa, pwede ka nila matulungan sa visa application sa pamamagitan ng invitation letter. Nandoon sa Korea si Sister Bernadine. Pwede mo rin puntahan si Sr Meola sa Silang para magpatulong.
Hindi mandatory requirement ang invitation letter sa visa application. Pero kung wala pa masyadong travels abroad, malaking tulong sa visa application ang invitation letter.
ASMSI Batch 1993 Pilgrimage to SOM Korea
Kaugnay ng 25th Year Anniversary namin sa ASMSI Batch 1993, nagplano kaming bumisita sa Sisters of Mary sa Korea para makita ang lugar kung saan nagmula ang lahat tungkol sa Sisters of Mary. Bagama't kakaunti, natuloy naman kami at nakabisita sa Busan at Seoul mula Oct 31, 2018 hanggang Nov 4, 2018.
Arrrival
Dahil coordinated nga sa SOM Korea ang byahe namin, nag-offer sila na susunduin kami sa airport. Kaya pagdating namin sa Busan Airport, nandoon na sina Sister at ang SOM Bus! Sinalubong kami nila Sister Bernadine at ng isang batchmate na nagtatrabaho sa Korea.
Accommodation at Aloysius Family Center
Maayos, maaliwalas at tahimik ang tulugan sa Aloysius Family Center. Para ito talaga sa mga graduates ng SOM na gusto mag stay sa SOM Busan. Walang imposed na bayad pero it will help maintain the place kung magbibigay ka rin naman kahit paano. Yung budget mo sa hotel, doon mo na lang ibigay. Suggestion lang naman. :-)
Iwasan lang ang mag-ingay lalo na sa gabi dahil sa 3rd floor ng building ay tulugan naman ng mga madre. Wala namang curfew kaya pwede namang lumabas para magliwaliw.
Sa ground floor naman ng Aloysius Family Center, may coffee shop doon - Cafe de Maria. Mga madre ang barista. :-)
Pero para mas malinaw, pilgimage ito ha. Hindi yung gusto mo lang makapunta sa Korea na may libreng accommodation. :-)
Kung nagbabalak kayong bumisita as a group, mas mainam kung maximum of 10 lamang kayo para makapaglaan sa inyo ang SOM Korea ng accommodation as Family Center. Kung medyo malaking grupo kayo, hindi kakayanin na ma-accommodate kayo sa Aloysius Family Center.
Pasalubong
Big deal sa kultura ng mga Koreano ang regalo. Kapag bumibisita sila, bilang respeto, ay nagdadala sila ng ragalo. Kaya kung pupunta kayo sa SOM Korea, I strongly suggest na magdala kayo ng kaunting pasalubong. Noong unang bisita namin sa Busan, mga dried mangoes ang dala namin. Nitong huling bisita naman namin, puto at kape naman ang dala namin. Natuwa naman sila at palagay ko nama'y kahit anong pasalubong ay ma-appreciate nila.
SOM Charity Programs Tour
Matapos ang agahan at ng misa sa umaga, inilibot kami ni Sister Bernadine sa Busan Compound. Ipinkita nya sa amin ang bahay ng mga estudyante, ang dating school ng mga bata, at ang Aloysius Hospital. Malawak ang compund. May VOP Chapel din sa Busan.
Matapos mananghalian at magkape sa Cafe Maria, pumunta kami sa Songdo Parish, na kung saaan ay si Fr. Al ang kauna-unahang naging Parish Priest. Dito rin nakatayo noon ang Poor Man's House ni Fr. Al.
Pinuntahan din namin ang lugar kung saan unang nagtayo si Fr. Al ng dispensary para sa mga mahihirap sa Amni-Dong sa Busan. Ang building para sa dispensary na iyon ay nakatayo pa rin at balak gawing museyo para kay Fr. Al.
Hindi namin inabutan ang mga residents ng Home for the Aged and Mentally Challenged na proyekto din ni Fr. Al. May outing daw sila. Pero inikot namin ang facilities.
Bago kami bumalik sa Busan Compound, inilibre kami nila Sister sa Songdo Park. Sumakay kami sa cable car at naglakad-lakad sa Songdo Beach!
Filipino Graduates in Korea
Maraming Filipino Graduates sa Korea, sa Busan at Seoul. May ilan din kaming batchmates na sa Korea nagtatrabaho kaya medyo may nakasama kami sa pamamasyal at nagpa-soju. :-)
Manila-Seoul-Busan-Manila
Kung plano mo rin bumisita sa SOM Seoul at Busan, ang suggestion ko ay mag book kayo ng Manila-Soul-Busan-Manila. Kung Manila-Busan-Manila o Manila-Seoul-Manila ang booking nyo, sayang ang oras at dagdag na gastos. Pwede rin naman ang Manila-Busan-Seoul Manila, yun nga lang mas maganda yung unang suggestion kasi sasakay ka ng Train to Busan. :-)
Kailan ka bibista sa SOM Korea? :-)
No comments:
Post a Comment