Monday, July 02, 2018

Journey to Financial Freedom 101

Few years ago, may post ako sa FB about Financial Freedom. Ito yung mga panahon ng kasagsagan ng mga Sports Car na red bilang pang-engganyo na sumali sa iba't-ibang networking raket. Naisipan kong-ipost dito para mas madali i-share sa mga fellow ASMSI members at iba pang kaibigan at kakilala. Sayang nga lang at walang nagturo sa akin nito noong nag-uumpisa pa lang ako. :-)
Journey to Financial Freedom 101

Journey to Financial Freedom 101 for my ASMSI bro and sis
(Not your typical greedy MLM approach)


1. Basic Formula to save:
Income - Savings = expenses.

Kadalasan kasi sa atin, inuuna muna yung para sa gastos at kung may matira, yun yung savings. Eh kadalasan, wala talaga matitira, kaya wala savings.

Mula sa income mo (gaano man kaliit o kalaki), bumawas ka muna para isubi bago ka mag budget.

Live within your means. Sanay tayo sa wala kaya hindi ito dapat maging problem.

Pwede ka mag save kahit maliit lang kita mo. Kahit simpleng empleyado ka, pwede ka makaipon. Huwag mabulag sa mga greedy mlm lines.

2. Accumulate Funds
Hindi mag e expire pera mo kaya wag kang gastos nang gastos. Sikapin mong makaipon ng sapat para sa 6 months na gastusin mo. Dapat at any given time, meron ka nito para kapag nawalan ka trabaho, makaka survive ka within 6 months time.

Kalimutan mo muna yung sports car o gadgets na pwede namang wala.


3. Secure your family's future.
Kung ikaw ang bread winner, isipin mo kapag bigla ka nawala, ano mangyayari sa kanila?

Kapag sobra na sa 6 months budget ang savings mo, thats the time to invest sa life insurance. Term ang kunin mo, wag yung mga investment na rider lang ang insurance. Kumuha ka rin ng medical insurance o kahit yung HMO man lang.

Kung kaya ng budget mo, unahin mo ito kahit wala ka pa masyado savings.

4. Invest
Kung consistent ka sa formula and you live within your means, dadami rin ang savings mo. Kapag dumating na sa point na malaki na savings mo sa bank, consider investing sa mutual funds, stock market and other money market placements.

Pwede mo ring i invest pera mo sa ibang negosyo para sa karagdagang income stream.

At this point, planuhin at isama sa budget ang pagkuha ng sariling bahay at lupa.

Isipin amo ang retirement. Hindi retirement plan ang magiging anak mo!

5. Enjoy life
Balansehin mo din naman, kung may sapat ka nang ipon, i treat mo rin sarili mo paminsan minsan.

Kung kailangan mo, at kaya mo i maintain, tsaka ka kumuha ng sasakyan.

Travel as often as you can - BUT within your budget. It will broaden your horizon.

At syempre, huwag makalimot. Nandyan ang FACFI, mag donate ka din syempre.

No comments:

Post a Comment